RANT...

Wanna share my rant. I'm 35weeks today pero di ko maintindihan kung bakit ngayon pa ko inistress ng tatay ko. Pinipilit nya kasing magpakasal na kami ng LIP ko. Napag usapan naman na namin about sa kasal na yan sinabi na namin ni LIP sa parents nya at sa Tatay ko na saka na yang kasal na yan dahil gusto muna namin magfocus sa gastusin para kay Baby. Yung Parents ni LIP naintindihan naman pero itong tatay ko pilit pinupush yung kasal naintindihan ko naman sya ayaw nya lang siguro na dumating yung time na baka takbuhan ako ni LIP pero kasi may plano na kaming dalawa at gusto naming mag stick lang sa plano na yun. Gusto muna naming pag ipunan yung kasal na yun at ayokong magpakasal na malaki ang tyan ko dagdag pa tong pandemic na to. Akala pa naman namin naintindihan kami ng tatay ko pero ito sya pabalik balik sya dito sa bahay namin ni LIP para lang bungangaan ako about sa kasal na yan. Nag start sya mag bunganga nung sinabi namin ni LIP na doon muna kami sa parents nya titira para may mag asikaso sa amin ni baby pagpanganak ko. FTM ako natural na wala pa akong alam sa ilang bagay kaya pumayag ako na doon na muna. Ayoko naman sa side naman Tatay ko dahil ayoko sa bago nyang kinakasama ngayon. Wala akong tiwala pagdating sa pag aalaga ng bata. Sarili nga yang anak napapabayaan nya ano pa kaya pagnandoon kami saka di maganda ugali ng kinakasama nya may time na okay sya but most of the time puro sya sumbat ayoko magkaroon ng MALAKING utang na loob sa babaeng yun. Naaawa na nga si LIP sa akin dahil halos gabi gabi ako umiiyak dahil sa tatay ko. Naguguluhan na ako di ko na alam gagawin ko lalo na yun part na sinabi ng Tatay ko na hinding hindi daw sya magpapakita pagnanganak na ko. Naiinis ako na pati ang bata dinadamay nya pa.

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mamsh, medyo stressful nga po talaga ung situation niyo po. Pero hindi po ba mas dapat maging thankful tayo kasi kahit nabuntis ka na di kasal di naman siya naging hadlang sa relasyon or pagbubuntis niyo. Mahirap po sa isang ama lalo na at anak niyang babae na mabuntis na di pa kasal. Kung kayo po nagagalit sa tatay niyo dahil sa behavior niya, naisip niyo po ba ang maaring nararamdaman ng tatay niyo na nabuntis anak niya na di pa kasal? Yes, mamsh may plano na kayo ng lip niyo, however would it stay the same po ba after you gave birth? Don't settle mamsh with saying may plano na kami or whatsoever, magpakasal na kayo ngayon po. Civil wedding nd wen the ryt time comes po gawin niyo na ung dream wedding niyo. Hindi po ako against sa decision niyo po. I don't have a father na, How I wish nandyan siya para mag bigay opinion sakin. Tbh, naiingit ako sa mga may tatay lalo na at may malaking concern sa pagaasawa ng kanilang anak na babae.

Magbasa pa
4y ago

Opo nag iisang babae po kasi ako kaya po siguro ganun si Papa. Sa ngayon po okay na po kami. Maayos na din po sila Papa and LIP pinaliwanag na din po namin na di pa talaga magagrand yung gusto nya dahil na din sa panahon ngayon.

VIP Member

Bilang magulang, naiintindihan ko yung tatay mo na ayaw niya siguro na takbuhan ka. But you're right, decision niyo 'yon kung papakasal kayo o hindi ng partner mo. I think your partner should step in and talk to your dad. Mag-usap sila ng lalaki sa lalaki. I-assure ng partner mo sa tatay mo na hindi naman niya kayo pababayaan. Also explain din na for health reasons, mahirap magpakasal ngayon at mag ayos ng documents na kailangan to get married. baka mamaya mahawa ka pa, buntis ka pa naman. As for you moving in sa house ng parents ng partner mo, puwede siguro yun ng first few weeks habang nagpapagaling ka, but i do not recommend na dun na talaga kayo titira. Firm believer ako na kapag nag-asawa na, mas lalo na kung may anak na, dapat bumukod na sa magulang. Mas matututo kayong dumiskarte sa buhay.

Magbasa pa
4y ago

Thank you po. Yes po for the mean time lang po ito pag stay namin sa parents nya habang nagpapagaling ako. Plano din namin na bumukod agad pag okay na ko dahil ayoko din talaga na nakikitira sa kahit sinong parents namin. About sa kasal na yun kinausap ko si LIP na kausapin nalang nya si Papa or dalhin nya parents nya kaso di pa talaga sa ngayon dahil sa pandemic sarado ang boundaries magkakaiba kmi ng barangay. Tingin ko ang pag uusap nila ang mamalutas neto pang istress sakin ng tatay ko. Para mapanatag na din kalooban nya.

same situation before.. pero naiintindihan ko po ang father ko, babae po kc tayo, tayo mga girls tinuturing na princess ng father natin, ayaw nila na nalalamangan tayo.. yun ang role ng father bilang protector.. ngayong po magiging parent ka na for sure maiintindihan nyo din po ang nararamdaman po ng father nyo.. na ayaw nyo na nalalamangan ang anak nyo at nagiging protective talaga..may ibang way naman po para hindi masyado gumastos, pede naman po sa huwes muna.yung kayo kayo lang. para na rin po mapayapa ang nararamdaman ng father nyo..lalo na po kung sure na po kayo sa isa't isa..ipaintindi nyo na lang po muna sa kanila na someday after ng pandemic saka nyo plan ang grand wedding nyo na naaayon sa kagustuhan nyo 2 ng lip nyo po..

Magbasa pa
VIP Member

Naiintdhan ko ang tatay mo mommy. Malamang hindi lang sya ang tatay na ganyan lalo na at anak nila ay babae. Tatay yan e! Lalake sila. Natural yan sa kanila na mkaramdam ng pangamba o takot para sayo na anak nyang babae. Intindhin mo din siya dahil alm kong para sa ikakabuti mo din ang iniisip nya. Ayaw nila na sa huli iiyak at makikita nilang masaktan o iwanan nlng ang mga anak nila. Saka iba pa din ang kasal muna bago magsama lalo na at iba "nung araw" na panahon ng mga magulang natin at sa panahon natin ngayon. Alam mo yun sis? 😊😊 Di ko na papahabain pa. Alam kong kuha mo na yan. We're old enough. Kausapin mo nlng mabuti tatay mo hnggang sa maintndhan nya. Kausapin nyong dalawa ng partner mo.

Magbasa pa

gets ko ung side ni father mo. kasi una babae ka luging lugi na sya dun tapos inuwi ka pa ng di kayo nagpapakasal. kahit civil lang sana po. iba kasi feeling ng tatay lalo sa babaeng anak, swerte mo nga po at talaga pinahalagahan ka ni father mo. kahit civil lang po muna para na din sa birth cert ng baby nyo first baby pa naman po ata. saka na ung bonggang kasal un pag ipunan nyo pero kahit mag civil muna atleast kasal na kayo kahit civil muna. mapapanatag na si father mo nun. remember where not getting any younger so they are. baka pagsisihan mo pa po yan dahil dmo sinunod. keep in mind nalang po na last na pagsunod mo na bago ka pumasok sa next level ng life mo.

Magbasa pa

Same situation tayo sis ganyan din nangyare sakin nun stress ako kc gusto ko din muna magfocus sa panganganak ko pero papa ko gusto niya makasal na kami ..pinagbigyan ko papa ko kc iisang anak akong babae at ayaw lng niya na pagchismisan ng ibang tao anak niya na saka lng ikakasal my anak na ..pagbigyan mo lng once papa mo sis para di kana bungangaan then pag binungangaan kpa ..savhin mo tapos na part mo kasi pinagbigyan mo na sya ..pero ikaw sis desisyon nio pa din yan ..opinion ko lng yung sakin 😊😊😊gudluck momshie😚

Magbasa pa

sakin din ganyan, nung nalaman nila na preggy ako magpakasal daw kami. pero pinaglaban ko kung ano ung plano namin ng Partner ko dahil may tiwala naman ako sa knya. tyaka hirap ngayon mag asikaso dahil nga may pandemic. pinaliwanag ko lang sa knya ng maayos at sinabi ko na hndi nila mbbago desisyon ko. gusto muna rin namin magfocus kay baby para sa mga gastusin dahil partner ko lng nagwowork ngayon gawa nga ng may pandemic. kausapin nyo lng po ng maayos ung father nyo.

Magbasa pa

hello, isipin mo nlng concern father mo sau. and sympre lalaki sya so alm nya kng ano mga mindset ng mga lalaki... for me ha ndi nmn nid bongga un kasal e kht civil wed lng.. and mgnda sundin mo nlng un father mo pra sa peace of mind ng father mo and pra din tlg un for u... magging parent kna din and as a parent u want everything for ur daughter/son. sympre sa parent ng guy ok lng na ndi mna mkasal un anak nla wla nmn mwawala sa anak nla dhl lalaki un sknla...

Magbasa pa

Alam ng ng tatay mo diskarte mga lalake na may kinakasama. Ayw niya lang mangyari sayo. Kasi kahit I bahay ka ng parents ng LIP, pag inyawan ka anak nila.... Wala ka mapupunta han o makukuha suporta. May nag post recently, 4 anak nila 11 years. Nag away silang lip... Sinabihan siya hindi siya karapat dapat pakasalan. Akala rin niya inuna gastos para sa anak tapos sasabihin ng ganun lang... At after 11 years

Magbasa pa

Share lang ganyan din ako nun super stress itatakwil daw ako kapag hindi kami nagpakasal akala ko nuon basta gusto lang nila pero now naiintindihan ko na. Tuwing may reunion lahat ng relatives ko na may asawa ay kasal ayaw nya daw kami mapahiya na masabihan ang asawa ko na takot gusto nya taas noo kaming mag asawa na haharapan sa mga kamag anak nami and para narin sakin para masabing legal wife ako at legit ang anak ko.

Magbasa pa