in laws. need advice pls

Hello po. Need ko po advice nyo. Tungkol po ito sa biyenan ko na babae.Bagong kasal lang po kami ng anak nya at may 5months old na bby at nakikitira sa nanay nya.Naiirita kasi ako minsan sa biyenan kong babae kasi palagi po sya tumatambay sa kwarto namin(nakiki-aircon)syempre mahihiya kang pahiga higa lang at minsan di na nakakapagpahinga kasi palagi syang nandun at nilalaro ang anak ko na 5months. Minsan kahit nandyan husband ko nandun din sya nakikihiga(tuwing umaga lang)parang 4 na kami sa kama at tuwing sisitahin sya ng asawa ko parang magagalit sya at magdadabog na bakit di sya pwede sa kwarto eh parang lumalabas na di sya kapamilya. Syempre need din nin ng privacy at time makapagpahinga since nurse ang asawa ko at sa gabi sya nakaduty. Minsan kapag kami lang dalawa ni baby nandun sya palagi sa kwarto tumatambay at natutulog sa kama namin. Nilalabas ko lang din stress dito kasi nastress din ako sa kanya hehehe

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Maganda nyan mamsh bukod kayo ng bahay. Para no prob with i laws. Iba parin pag sarili nyo na bahay mahirap sa una pero mag aadjust and mag tutulungan naman kayo mag asawa e

5y ago

Salamat po. Talagang bubukod na po kami if nakakaipon na. Sa sitwasyon namin ngayun parang yung biyenan namin ang nakabukod sa amin kasi halos lahat ng gastos/bayarin sa bahay kami umaako kahit bigas/ulam para sa lahat.Obligasyon pa namin na magbayad sa mga pinagkautangan nila, saklap naman.

Ayoko ng ganyan sis hahahaha unahan mo na lang pag ganon or ilock mo pinto hihaahahaha hindi sa pagiging rude or what pero yun nga kelangan niyo ng privacy

5y ago

Kapag ilo.lock kasi kakatok ng kakatok sis eh haha..imbes na natutulog ang baby magigising tuloy tapos magdadabog bakit ayaw sya papasukin, maid ba ang tingin namin sa kanya. Kaloka😢

Bahay nila yan kahit pa kayo nagpaayos o gumagastos sa lahat. Kayo pa din ang nakikitira at need makisama. Pinakamainam nyan eh bumukod kayo.

5y ago

Yikes. Hehe.. Noted po

VIP Member

Lock mo yung pinto then lagay ka ng note sa labas na kunwari natutulog si baby. Mamaya nalang kami kapag gising na si baby. Hehe

5y ago

Nilo-lock na namin sis para din makatulog at makapagpahinga kami, kaso kapag naririnig niyang nagising na si baby talagang kumakatok to the highest level para makapasok hahaha.

Nakikitira lang kayo? Kung sakali kayo na mag adjust.. kung di kaya bumukod po kayo..

5y ago

Nakikitira pero lumalabas na sila nakikotira sa amin, pinaayos namin bahay ng nanay nya at pati na rin kwarto. Kargo na din namin gastos ng bahay, maskin piso wala silang nilalabas kahit sa pangkain. Bubukod kami kapag nakaipon na, sa ngayun timpi timpi muna

Up

Up

Up

Up