Hello po. Need kausap or advise po. Tama po ba kaya tong nararamdaman ko sa nanay ng asawa ko. Yung palageng pinangunguhan ako kung ano dapat gagawin. Or kumbaga akala nya tama lahat ng sinasabi nya. 14months na po baby namin ng asawa ko. Simula nung isinilang ko baby ko, ako lang talaga nag aalaga. Tapos nung 3months palang baby ko, minsan na sumegway yung byenan ko na magtrabaho na daw ako at sya na mag aalaga sa bata. And ngayon nag paparinig na naman sya na magtrabaho na daw ako. Ang akin lang naman sana wag nya ako pangunahan at kami dapat mag asawa yung nag uusap tungkol sa ganung usapin. Lalu na wala akong tiwala sakanila if sila mag aalaga sa anak namin. Dahil minsan na nilang minasama yung paggamit ng alcohol or magsanitize muna bago hawakan anak namin epecially nung newborn palang kaya nattakot akong ipagkatiwala sakanila.
Mali bang mainis ako? Please paadvise naman po.
Salmat.
Pania Boneo