Prenatal Checkup
Hello po, nagpacheck po ako ngayon. Sabi ng ob ko 7weeks palang si baby, pero sabi nya maliit palang daw ang pregnancy ko. Sa iba po bakit 7 weeks may heartbeat na ang baby nila? Inask ko yung ob ko if meron na kaya. Ang sabi nya hndi pa makikita ngayon kasi maliit pa at baka daw late ang fertilization. Sino po kaya same case sakin? Natatakot po kasi ako baka hindi matuloy ang pregnancy πππ

Yung sakin po nadetect lang heartbeat ni baby sa TVS pero di pa daw po maririnig kasi 5weeks 6 days pa lang ako and we have to wait pa daw po sa next ultrasound para marinig mismo. Baka daw po kasi mastress masyado si baby, super liit pa lang niya and mahina pa para marinig. Mahalaga po is nakita lang namin na may heartbeat na kahit super small pa lang niya. Mabilis daw po development ni baby ko, sa iba daw po ay di pa talaga nakikita ang baby ng ganto ka-aga and wala pa daw po heartbeat ang iba. Iba iba daw po talaga bilis ng development and pagbubuntis natin. Basta stay healthy momsh para maensure mo na healthy and nagdedevelop ng ayos si baby β¨
Magbasa pami tama lang po sinabi ni OB mo , iniiwasan nya lang po na mastress ka pag walang nakita lalo na kung late conceivement po much better nasa 9weeks to 10weeks para sure and hindi rin masyadong magastos makikita na agad. gawin mo mi inumin mo mga nireseta na gamot sayo at magpahinga kalang iwas muna sa stress at mga mabibigat na gawain βΊοΈ
Magbasa paTama yung OB, baka late po yung fertilization, nakadepinde po kasi when kayo nag ovulate) Wag po kayo mag overthink. Masyado pa po maaga ang 7weeks although may ibang cases na may heartbeat na if. Yung sakin nga 9weeks na nakita heart beat. Relax
same tayo mommy 7 weeks ako nung nagpacheck up ako pero pinabalik ako after 2 weeks kasi hindi pa talaga makikita daw kahit transv. after 2 weeks dun palang nakita si baby bale 9 weeks na ako nuon. tignan mo naman mi sa pic sobrang liit pa niya

iba iba ang oregnancy. and may nalalte talaga ng development.. deoende naman yun lalo kung irregular ang cycle mo. magpray ka lang, inom ng vitamins at sa transV po maririnig, di pa maririnig sa doppler pag 7weeks... usually 6-8weeks meron.
Same tayo 7 weeks din di pa makita si baby kasi ang liit pa. Pinabalik ako ni ob after 3 or 4 weeks then yun nakita ko na si baby na malaki na sa tyan ko nasa 9 weeks na sya. I am 6 months pregnant now π
If doppler ang gamit ng OB mo. hindi talaga siya maririnig, sa TVS doon mo po maririnig HB ni baby. Kasi ako 13weeks na. gang ngayon hindi dinig sa gamit na doppler ng OB ko. pero sa ultrasound dinig.
8-12 weeks yun advice ng ob ko mag pa trans v para sure marining at makita si baby 8weeks ako nagpa trans V malakas na hearbeat ni baby.
Narinig heartbeat nung baby ko via TVS, 7weeks and 5 days sya. Pray Mommy.
Ako noon at 7 weeks may heartbeat na si baby. Pa transv po kayo