HELP! Anong nangyayari o gagawin kapag nagsusuka ang bata pag pinapakain?

Hello po mommy! Need lang po ng advice. Nagsusuka po baby ko pagpinapakain. Di ko naman masabi na overfeed kasi tatlong subo pa sumusuka na sya. Di ko po madala sa pedia nya kasi close po ngayon dahil sa lockdown. Mag 8 months na po baby ko, trinay ko na lahat ng flavor ng cerelac, sumusuka pa din. Nag gerber na sya, sumusuka pa din. Nag smash na ako ng available na gulay at prutas dito sa amin pero sinusuka pa din nya eh. Kahiy nakahiga o nakaupi na pinapakain nagsusuka pa rin. ????? May remedyo ba o gamot sa nagsusuka na bata? Worried na po talaga ako.

HELP! Anong nangyayari o gagawin kapag nagsusuka ang bata pag pinapakain?
40 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Message nyo po pedia nyo po. Kung dumedede naman po, baka busog lang kaya sinusuka solid foods. As long as active si baby, ok. If not- pacheck nyo na po sa ER.

Hyperacidity Isa sa rason na ayaw tanggapin yun pagkain O kaya bloated si baby Pag nagsusuka wag mo ng bigyan ng pagkain massage mo tummy niya

Magbasa pa

Ilang araw na nagsusuka? Ilang beses? Mas maganda ipacheck up mo sya para maiwasan nag dehydration..kahit ba dede or gatas sinusuka.

5y ago

Salamat po.

VIP Member

2hrs bago dumede ang pagpakain ng solid and nkaupo dpat si baby pag pinapakaen. Dont force her to eat pag ayaw mas lalong matrauma ang bata.

Oo nga po mommy gatas nlng po muna, ask nio nlng po sa pedia next time bakit po ganyan si lo pag safe na po ulit makalabas ng bahay..

Try nyo po muna gatas lang para may laman po sikmura ni baby Kung patuloy pa rin po sa pagsusuka better po pacheck up nyo na siya agad..

Hindi siya ready mag solid food siguro. Nirereject ng katawan niya. Pacheck up mo. Wag mo muna pakainin ng solid.

Kung close po pedia pede nyo nmn po text yung mga symptoms sa pedia nyo para mabigyan kayo ng advice sa tamang gagawin

5y ago

Khit yung secretary sis pede nmn

VIP Member

Hala mommy, for safety po kailangan naka upo dapat si baby pag pinapakain ng solids. Nakakaupo na ba sha on her own?

5y ago

Hindi pa po sya nakakaupo.

VIP Member

Breastmilk muna and unli latch, observe din TAMANG positioning kay baby. Pede kasing nagrereflux din yan