please help
Hello po mommies rashes po ba ito? Paano po kaya gagawin? Nag start po sya lumabas nung nov 3 till now po ganyan sya
Normal lang Po Yan . if d naman sya fussy o irritable okay lang Po Yan at kung wla naman lagnat . Gnyan dn baby ko distilled water lang Po sa cotton balls pahid mo . wag kau gumamit Ng kahit na Anong brand Ng cream baka di humiyang Kay baby
Sa akin po nong newborn pa si baby is pinagpalit po ako ng bath soap ng pedia ni baby. Aveeno baby pinalit, then nilalagyan ko ng Tinybuds Acne Soothing Gel. Mas effective if nilagay sa ref para mas maganda yong cooling effect ng product.
pahiran nyo po ng breast milk nyo o kaya maligamgam na tubig gamit ang bulak, wag nyo muna sabunin face nya tubig tubig muna baka di hiyang sa sabon ganyan po baby ko nawawala tapos bumabalik balik pa din baby acne nya pero konti nalang
tawag nyan Momshie is baby acne. normal yan for newborn.. mawawala din yan. ☺️ But if you want, you can ask your pedia.. they will give you a prescription. gel siya.. kaso mahal nga lang.. but that will eventually go away.
mawawala din po Yan.. punasan nyo po ng gatas nyo gamit po ang bulak..maga at hapon po.. un po ginggwa ko sa baby ko nawawala din po agad.. 28 days pala Ng po Ng baby ko..
mawawala din po yan,ganyan c baby q nun mas makapal pa nga pati sa kilay,then unti unti po nwala kahit wala po aq pinapahid,tas un napapansin q habang nawawala yan pumuputi unti unti ung nany q nun,
before mi nag pahid ako ng gatas ko kay baby kasi nagkaganyan din sya pero parang di effective. sabi ni pedia ligo-an araw-araw si baby gamit ang cetaphil (yung walang amoy) nawala din mi
Ganyan nangyari sa baby ko,.wala akong ginamot kusa lang siyang nawala pero pinatigil kolang siya sumuot ng mittens kasi nakaka irritate daw yun ng mukha ng baby pag hinahagis nya.
gamit po kayo ng Cetaphil pang baby effective po yan, every day ligo po dapat kahit newborn palang mawawala din po yan, dapat 1 month wala na po mga rashes si lo sa katawan
Normal lang po yan. More on ligo lang everyday si baby, use cetaphil bath wash if you want (as per my pedia). Di nmn ako nagpahid ng breastmilk kay baby, kusa nawala nlng.