Bday Celeb for babygirl

Hello po, mommies. Pa help naman po. 4th bday po kasi ni babygirl ko sa Friday, ayaw ko po sana maghanda kasi iniisip ko po budget namin. Kaso gusto ni babygirl ko mag invite ng mga pinsan nya. She has 3 cousins and 1 close friend. May tabi po ako na 2k, plan ko po sila lang mga bata cake at sweets lang mga pambata e prepare ko. Di naman po kaya ng 2k budget magpakain ng 20 to 25 persons dba? Kung e invite ko pa mga tao dito sa min kasi ang tinitirhan po namin compound, puro relatives ni hubby. Di ko po kasi alam mag budget kasi never naman po talaga ako nakaranas even before na mag handa. Kung kaya po ng 2k, ano2x po pwede lutuin kahit dalawa o tatlong putahe lang? Thanks po, mommies.

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pansit po mommy mas makakamura ka worth 700-800 (kahit wala ng manok lagyan mo nalang ng kikiam or atay para may lasa ng karne) madami na yun kayo nalang po maglagay sa bawat lalagyan para mas makatipid, lumpiang shanghai worth P300 na ingredients tapos gupitin mo po sa gitna pagka fried para mas dumami, samahan mo na din ng hotdog na mura lang yung maliliit then marshmallow kahit mga 10pcs lang para sa bisita na bata ni baby, juice na powder tapos timplahan mo lagay mo sa lalagyanan ng tubig nyo and yelo last bili ka ng cake na tig 300-400. Kayang kaya mo yan ibudget mommy ikaw nalang mamili din para sure na sakto.

Magbasa pa

kung bata lng nman kakaen dpat siguraduhin muh ung gus2 nila. bili ka cake kahit ung sa bakery lang nsa 200 to 300 lang ata un my design naun. spaghetti my nkaset naman naun na magkasama na pasta at sauce isahog muh hotdog at corned beef imbes na giniling. at tsaka ice cream or hotdog na may marshmallows aun maaapreciate un ng mga bata. pag kasya pa budget muh pwede ka magluto ng isang ulam para sa iniong mga adults. tapos kanin

Magbasa pa
VIP Member

Sa sweets po, mag graham cake ka na lang mami 💕💕💕 300 petot lang tas mga nasa 4layers lang gawin mo. Marami rami ka na magagawa. Yan po lagi kong pineprepare everytime na may visitor kami. :) Di naman po kailangan makapal na layer. Since yung iba takaw mata, maraming kukunin, di naman pala mauubos. Kaya 4layers will do

Magbasa pa
VIP Member

shanghai, malaki na ung budget mong 500..carrots singkamas gawin mong extender para dumami.then hatiin mo pag sinerve., pansit bihon,kya din ng budget na 800, sandwich sliced in a half worth 300..then pwede ka magdisplay ng maliliit na stick o and other candies na mura..or cake..swak na

VIP Member

Eat out na lang kayo kasama nong mga gusto lang invite ng anak mo. Kasi pag sa bahay syempre kelangan mong invite lahat ng andon.. Pero it's up to you pa din. If ever sa bahay Try pansit and sandwich kahit wala ng palaman Then shanghai. Okay na yun mommy no need na bongga naman eh

Magbasa pa

Kung ako mamsh invite ko nlng sa jollibee or mcdo yung mga gusto lang invite ni baby then konti pasyal with the guardians sympre. Atleast nakasama ni baby yung mga gusto nya iinvite sa bday nya

Ganyan din kame.. Sakin po ginawa ko, bumili dalawa bilao ng pansit/ or pwede pancit and palabok tapos samahan po ng pandesal tsaka timpla nalang ng juice.. Busolved for sure

VIP Member

Spag, pancit at cake. Malaki na ang 2k sis. Kahit di gaano madami yung spag mo, bawi mo nalang sa pancit tutal matatanda naman na ata most ng kasama niyo sa compound.

VIP Member

Pwede kang gumawa ng diy cake sis no need to bake at affordable pa ang mga ingredients meron sa youtube sis .then bili ka nlng drinks nla at pancit ok na yun 😊

VIP Member

Pansit, maliit na cake kahit yung roll lang, ilang pcs ng hotdog with marshmallows. Unahin muna mga kids, if may sobra s pansit at cake saka mamigay sa iba.