FTM 32 weeks and 2 days!

Hello po mga momshie! Marami kasi nagsasabi saakin na ang liit liit daw ng tiyan ko since 32 weeks na siya. Hindi mawala sa isip ko ang magalala baka hindi okay si baby? any advice po! Salamat..

FTM 32 weeks and 2 days!
36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

iba iba po ang bawat pag bubuntis.may mga mommies na malalaki tyan pero tubig lang at maliit ang baby..meron din namang maliliit ang tyan pero baby at saktong amount ng amniotic fluid lang. kaya wag po i compare sa iba ang size ng tyan.as long as every check up mo sinasabi ng ob na okay ang size ng baby.at sabi nga nila mas okay di ganun kalaki ang baby sa loob para ma normal delivery at mas madali daw magpa laki sa labas na..

Magbasa pa

Sakin naman sis sabi sa akin nung 4 months ako sabi nila ang laki laki daw ng tiyan ko 😁 baka tubig na daw, nung sa OB ko naman tama lang medyo maliit si baby need pa nga ng tubig. Nung 6 months ako sabi naman ang liit ng tiyan ko for 6months? oh diba ibat iba commentaryo ng iba sa tingin nila? Kasi ibat iba ang pagbubuntis natin. Hayaan mo sila basta kay OB lang tau 😁😁😁😁

Magbasa pa

okay lang yan mas okay na maliit para di mahirap umire may mga tao talaga kasi na mahilig mag compare ako nga mismo OB pa nagsabi sakin na di daw ganun yung laki ng tiyan ng manganganak na πŸ˜‚ after 1week nanganak na ako lol may mga babae talaga na maliit ang tiyan pag nagbubuntis

Normal po yan mamsh. Magkakaiba po tlga ang pgbubuntis. Yung iba malaki tiyan, yung iba maliit naman. Sa akin nga po ang laki ng tiyan ko nung buntis po ako pero nung lumabas si baby hindi naman siya ganung kabigat. Maliit lng po si baby sa loob nuon

VIP Member

dont get it into yourself kc mararamdaman un ni baby.. so long as healthy ka malaki ang chance na healthy rin ang pregnancy mo. and kung wala naman sinasabi ang OB mu na prob kay baby, then do not stress yourself dahil lng sa comment ng iba.

VIP Member

kung nagpa ultrasound na po kayo at wala naman sinabe maliit si Baby, Wala Po tayo Dapat Ipag alala. As long as alam mo sa sarili mo kung panu mo ingatan si baby πŸ₯° wag po mag worry masyado , Baka Mastress Ka. Bawal Ka ma stress ☺️

marami rin nagsasabi sa akin na maliit tiyan ko nong una pero based sa ultrasound okay naman po ang size at weight ni baby with enough amniotic fluid. Huwag mo isipin ang sasabihin ng ibang tao, kay OB ka maniwala hehehe

VIP Member

Okay lang po yan mommy, iba iba po talaga ang pagbubuntis, as long as nakikinig po sa OB, kumakain ng tama at walang nararamdamang kakaiba wala pong problema. :) stay safe mommy and baby!

maliit lng po ako mag buntis... at fist baby ko p ... okie namn yung baby ko....normal delivery po... nasa 2.8 kilos lng yung baby ko mahaba lng siya .. malusog namn...☺

Ok lng po yan sakin nga po noong 35weeks ang liit tas biglang lumaki lalo na nong 39 weeks. Nanganak ako 39weeks 3days fetal weight 3kls kaya natahian normal delivery