Undecided Hospital or Lying Inn?
Hello po mga mommy! Ask ko lang po if anung weeks pwede malaman kung normal or cs ang buntis? 24 weeks na po ako at first time ko po. Gusto ko kasi sa mga lying in nalang manganak. Nagpapacheck up kasi ako ngyon sa accredited ng healthcard ko po para minus na rin sa consultation kaso po mahal nga lang ung bill ng normal and cs nila dun kaya diko po alam kung pano kaya gagawin ko magstay na ako dun o maglipat na ako? Thankyou po sa makaka advise ?
Gusto ko din lying-in dhul malapit nga lng.. Pero Best choice public hospitals.. Sa experience ko kasi.. First baby ko CS dhil suhi after 12 yrs. yung 2nd baby ko nmn pwede ko na i-normal. So expected ko maglalabor ako.. Kaso lumagpas na ko ng 39 weeks mild contraction pa lng, hindi nag open cervix ko kaya na-emergency CS ako at 40.3 weeks.. Lagpas due date.. Tama yung choice ko na sa hospital ako dahil masisigurado mo safety niyo mag ina.. And take note 2k lng dala ko non nung na-CS ako.. Wala na ko iba ginastos Kasama na sa 2k yung pangkain. Vitamins lng at pang taxi dahil nga malayo yung bahay namin.
Magbasa paYou will never know kung normal o cs. Meron kasing na eemergency cs. Hmm. Better na maghanap ka na po ng hospital na pwede magcater ng CS at normal delivery. Iconsider mo din po yung layo ng hospital sa bahay nyo. Pwede ka na magcheck ng prices habang maaga. Tapos advise mo si OB mo kung lilipat ka. May mga hospital kasi na dapat at least a month before your due nagpacheck up ka na sa kanila.
Magbasa paMas ok ung hospital mommy na pwede normal or cs kasi di mo talaga malalaman un. Ganyan din inisip ko gusto ko mag lying in ero inisip ko ung safety namin ni baby kapag manganak nako kata lumipat talaga ko ng hospital nung 27 weeks ako, sa lying in kasi ako dati. Pwde ka mag public
Kung wala ka naman sakit like high blood or diabetes, minsan third trimester malalaman mo na kung for CS ka like sa position ng baby at placenta. Pero kadalasan yung mga naeemergency CS sa mismong labor day na nalalaman. Advisable pa rin ang hospital sa mga first time.
Dapat nagpapacheck up ka rin s health center niyo kasi tutulungan ka nila kng saan ka pwede manganak, lying in/hospital na bbgay nila sayo ay philhealth accredited so possible na wala ka ng bayaran or mas mababa ang bill mo. OB/midwife makakapagsabi kng normal or cs ka
Hi mommy! According to my OB malalaman daw kung normal or CS once you experience labor na. Maliban nalang if may complications talaga early part pa lang ng pregnancy na required talaga iCS.
Hospital pa rin. Meron kasi cases ma dapat for normal pero nasiCS.
Mas safe cguro pag sa ospital lalo na pag first baby
Not recommended po na mag lying in pag first baby.
Hospital atleast complete sila sa gamit don.
Uninstallling this app for Good