Opinion about gender 🥰 Please respect post

Hello po, mga mommies! Nagpaultrasound po ako nung June 21. That time, 17 weeks and 5 days po si baby, pero sa ultrasound, 18 weeks and 3 days na sya. Itatanong ko lang po kung sa tingin nyo po, boy ba talaga sya? Sabi po kasi ng mga kamag-anak ko, ang aga daw po masyado nalaman ng gender. TYIA po! 😊

Opinion about gender 🥰 Please respect post
34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Sabi sa akin if nakita daw agad na boy sa ultrasound boy talaga yun pero daw pag girl ang nakita minsan magbabago pa daw yun kasi nag tatago daw yun sex organ nila. Pero tingin ko boy talaga, pag girl kasi pa hamburger daw yun sa ultrasound. Hehehehhe 😅😅

2y ago

25 weeks ako magpapa ultrasound

TapFluencer

same here. breech position. nung una di makita yung gender. so inulit after few mins. sabi boy daw pero nalalabuan pa ako kase parang yung may arrow sa left e kapareho nung nasa kabilang side. haha. mukang magpapa ulit nalang kami ng ultrasound hehe

Post reply image
2y ago

Claim ko tu sana Baby Boy na tu🥰

iba na po kasi ang technology ngayon unlike dati. baka iba na din po ang methods ng mga sonologist to know the gender of baby kaya mas maaga ngayon nadedetect ang gender nila. boy po si baby. ang clear na po ng lawit nya hehe. congrats mommy!

2y ago

sa bagay po hehehe. thank you po mi! 🤗

ito posing ng baby ko nung 16weeks sya malikot sya nyan tas nahihiya kasi tatalikod tas haharap din tas nung sinabi ng doktora na nakita ko gender baby harap ka ayan pinakita nya talaga tuwang tuwa pati si doktora halatang makulit pag laki 🤣❤️🥰

Post reply image
2y ago

mana sa tatay jusme iniimagine ko palang na mag mana sa tatay ng kakulitan natutulala ako HAHAHAHA

sabi nila mas madali kasi makita pag boy talaga... kasi minsan pag girl pwede pa daw maging boy... kasi possible maliit lng bird ni baby o s posisyon din ni baby... ako 18 weeks din and nkita na ni OB ko boy ..

2y ago

nakakatuwa naman po 🥰 congrats po mi!

nag pa ultrasound din ako June 21 then 18 weeks and 4 days naman sya confirmed na boy kasi may lawit haha sobrang saya🎊 i think boy din yan sis kasi kita naman pututuy nya eh 🥰 congrats sa atin sis🎉

Post reply image
2y ago

Yay, congrats po! 🥰

Maaga po tlaga nalalaman pag boy kasi kita agad ung lawit and balls like sa ultrasound mo. Boy din po baby ko and nakita na din ng maaga. Wag ka po maniwala sa mga kamag anak mo, sa science po tayo maniwala

2y ago

opo, thank you po ☺

TapFluencer

eto sakin mommy. 19 weeks and 4 days (June 21) tapos kahapon check up ko, chinicheck kasi ang heartbeat ni baby thru ultrasound sa clinic ni OB ko, boy daw talaga. hehe. congrats momsh 🥰

Post reply image
2y ago

kaya nga po. kumain at uminom po ako ng matatamis ilang oras bago po ako iultrasound. hehe.

Congratulations, it's a boy! Ganyan na ganyan sa 1st born ko, tayo putotoy hahaha. 😂❤️ Ako naman po non nalaman agad gender, 18 weeks lang talaga ako. Hehehe

2y ago

same po pala hahaha cutie 💓

if boy ang nakita kahit maaga pa para sa ultrasound mamsh..boy na po talaga..kasi may patulis na agad nakita..pero if girl yan pwede pa mabago.. 🤗 hello baby boy 🥰

2y ago

ganun po ba mii. thank you po! 💖