Emotional Stress

Hello po mga mommies. I just want to share what I am going through right now. Im 29 weeks pregnant po with my first baby. My husband is a seaman at nasa barko po sya ngayon. Im already 26 years old, wala pa po kami bahay ng asawa ko kaya ang nangyari is nakikitira ako sa kapatid ko o kaya sa papa ko para may kasama po ako. Lately napansin ko na parang sobrang emotional po ako na umabot pa na na admit ako for pre term labor. I don't know kung nararanasan din to ng ibang mommies pero napaka sensitive ko po talaga ngayon. Lagi ako kinokompara ng mga kamag namin ng asawa ko sa kanila nung nagbuntis sila. Maliit daw ang tyan ko at malnourish daw ang anak ko. Nung nabuntis daw sila nakakapag igib pa daw sila ng tubig. Nung buntis daw sila hindi sila haggard. Basta andami. Unconsciously depressed na po pala ako sa mga sinasabi nila sakin. Madali sabihin na wag pakinggan pero alam nyo po ung paulit ulit na pumapasok sa utak nyo na malnourish daw ang anak nyo. At dahil first time ko po syempre nag aalala ako. Hindi ko alam kung concern ba sila or ano. Basta mahirap.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Don't worry mommy. Walang problema sainyo. :) ang may problema is yung mga tao sa paligid na mahilig ikumpara ang pagbubuntis ng iba sa ibang mga buntis. Nagbuntis na pala sila eh, so dapat alam nila na mas emotional ang mga preggy. Everyone's different. :) never compare yourself to others. Ako naman ang laki na ng tyan ko kahit 4 months palang ako pero pwede ng pagkamalang 3rd trimester ang tyan ko. :D grabe din ang pimples ko pero hinahayaan ko lang kasi di naman talaga lahat eh nakakaexperience na maging blooming sa pagbubuntis. Be strong mommy. Wala silang pake. :D makarinig man ako ng mga ganyan, wala talaga kong pake. Kasi ako naman yung nagbubuntis, hindi naman sila. :) first time preggy here.

Magbasa pa