Emotional Stress

Hello po mga mommies. I just want to share what I am going through right now. Im 29 weeks pregnant po with my first baby. My husband is a seaman at nasa barko po sya ngayon. Im already 26 years old, wala pa po kami bahay ng asawa ko kaya ang nangyari is nakikitira ako sa kapatid ko o kaya sa papa ko para may kasama po ako. Lately napansin ko na parang sobrang emotional po ako na umabot pa na na admit ako for pre term labor. I don't know kung nararanasan din to ng ibang mommies pero napaka sensitive ko po talaga ngayon. Lagi ako kinokompara ng mga kamag namin ng asawa ko sa kanila nung nagbuntis sila. Maliit daw ang tyan ko at malnourish daw ang anak ko. Nung nabuntis daw sila nakakapag igib pa daw sila ng tubig. Nung buntis daw sila hindi sila haggard. Basta andami. Unconsciously depressed na po pala ako sa mga sinasabi nila sakin. Madali sabihin na wag pakinggan pero alam nyo po ung paulit ulit na pumapasok sa utak nyo na malnourish daw ang anak nyo. At dahil first time ko po syempre nag aalala ako. Hindi ko alam kung concern ba sila or ano. Basta mahirap.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kapag first baby momsh. Normal na maliit lang. Maliit magbuntis mga first.. Ako nga noon 6 months na dipa halata ng iba. Kain ka lang ng kahit anong gusto mo momsh Tapos mamasyal kung san mo gusto.. Sundin mo ano gusto ng katawan mo.. para maging active din si baby..Dimo na yan magagawa after mo manganak .. Lalo sa first 3 months.. And lalo kung tututok ka sa pag aalaga ng bata sa mga susunod pang buwan

Magbasa pa