Mother-in-Law
Hi po mga mommies. I don't know if ako lang ba nakakaranas o nakakaramdam ng ganito na feeling ko "walang ako kwenta or isip na asawa ng anak nya" every time na nagchachat Mama ng asawa ko tungkol sa asawa ko. Nakabukod po kami. Malayo sa kanila. Minsan iniisip ko nlng na concern lang sya pero madalas naooffend ako. Hindi ko na lang pinahahalata or d ko na lang din sinasabi sa Mister ko kc baka pagsabihan nya ang Mama nya at ako naman ang awayin ulit. Yes, ULIT. Dati may sinabi ako sa mister ko na gnawa ng mama nya ang bungad agad ng mother-in-law ko mister ko, "O ANO NANAMAN SINUMBONG NYANG ASAWA MO?" Dahil lockdown ngayon, wala akong pasok sa work. Ang asawa ko naman ang isa sa mga employee ng supermarket kaya need nya pumasok. Ang madalas chat ng mama nya sakin "pinapasok mo ba sa trabaho? Bakit mo pinapasok e lockdown ngayon?! Hindi naman kailangan pumasok bakit pinapasok mo pa! Pinagbaon mo ba ng pagkain? Baka naman hindi mo pinagbaon ng makakain? Baka mamaya pinagbaon mo nga ang konti naman sana dinamihan mo para pati miryenda may makain sya!" At marami pang iba. Minsan pakiramdam ko, WALA BA AKONG SARILING ISIP KASI PARANG NAKAKAPOFFEND NA MGA SINASABI NYA. PARA BANG WALA AKONG KWENTA PARA SA ANAK NYA AT WALA AKONG ALAM. Madalas ganyan pero d ko nlng pinapansin. Minsan nakamute sya sa messenger para d ko mabasa. Or late ko na mabasa. Pero kahit papano wala pa dn ako magagawa kundi replayan kc baka ano nanaman sabihin sakin. Mabait naman sya, tipikal na ugali ng nanay. Pero madalas ganyan kc gnagawa nya. Di ko lang gaano iniisip kc buntis ako. Ayoko mastress pero padalas ng padalas nagmumukha akong walang kwentang asawa.