yellowish eyes

hello po mga mi ask lang po normal lang po na 1month na yellowish pa rin eyes ni baby ang hirap po kasi ng maulan ang panahon walang araw tuwing morning, ayan po pic ni baby ano po dapat kong gawin pure breastfeed din po siya:(

yellowish eyes
29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

better po pacheck up na si baby. pag umabot po ng 25+ ang bilirubin nya palitan na po siya ng dugo. baby ko po dati 13days old na e naninilaw.pa rin pati mata, wala ring init that time. Nag 18 bilirubin nya sa dugo buti nagpedia po agad kami kung hindi baka palit dugo rin si lo ko 😞. Nagphototherapy po si lo ko for 3days.

Magbasa pa

Pa check up na po sa pedia para panatag ka. Si baby ko inabot din ng 1 month na yellowish pa pero within that period naka dalawang pa check up ako kasi mahirap pag tumaas ang bilirubin. My binigay na vitamin d3 kay baby that time kasi maulan din nung pinanganak ko sya. Check mo ung poop, dpat mustard or yellow. Pag pale or white delikado po.

Magbasa pa
VIP Member

Mii, if mahirap ang chance makapagbilad sa araw, better go to your pedia for intervention po. 1-2weeks lng po dapat mawala yung yellowish ni baby tas mawawala na eventually. My 2 babies have high bilirubin and both underwent phototherapy. Better safe po mii. If may araw po, do 2x a day na paarawan—early morning and late afternoon po.

Magbasa pa

si LO 2 weeks old ngayon, yellowish padin eyes pero kunti na lang. maulan nga kasi... pinapaarawan ko siya kahit kunti lang yung sinag ng araw. basta maarawan okay na. sabi ni pedia no need naman si baby vit. d na drops, basta mapaarawan lang kahit di everyday. basta okay si baby, kampante ako... napacheck mo na ba si baby?

Magbasa pa

Mii kumusta ang poops niya? Kapag 1 months na paninilaw di na normal. Anak ko mataas ang bilirubin tapos pale stool then yellowish ang skin at mata hanggang nadiagnose na ng biliary atresia. Kaya better ipacheck mo na agad para mapanatag ka sa gastro pedia ka. Hindi na kasi normal sa bata ang naninilaw ng morthan 3 weeks.

Magbasa pa
2mo ago

hello mi okay naman poop niya yellow po and malakas po siyang dumede

nagyellow ang baby ko after the birth. naphototherapy sia until wala nang yellow sa skin. pero meron sa eyes. we just continued paaraw until mawala ang yellow sa eyes nia. frequent milk feeding to remove excess bilirubin nia. try na paarawan pa rin si baby kahit makulimlim. indirect sunlight may help.

Magbasa pa
2mo ago

after 5days na gamot, nag okay agad ung skin nya

that's not normal po. better mapa check si Baby ng pedia. My baby was 2 weeks old when he was diagnosed na mataas ang bilirubin. nag phototherapy sya for 3 days kaming nasa Hospital kasi maulan dn that time. Frequent feeding for baby para mailabas through poops at wiwi.

mhie painumin mong tiki tiki tapos kuha ka lng ng yellow light, katulad ng pang incubator, pag walang araw, basta takpan mo lng eyes nya at lagay mo lng sa bandang ulo yung ilaw ganyan ginawa ko sa baby ko at effective nmn sya..

Hi mi, better ask your pedia po for proper medication if needed. As for may LO, naconcern rin namin na hindi maaraw nung June niresetahan kami ng Vitamin D3 2drops a day, hanggang now na 4months old ganun pa rin in take nia.

hello po mommy, ang suggest po sakin ng pedia ni baby kapag umabot daw ng 2 weeks na si baby and naninilaw pa rin dalhin agad sa hospital para po ma-check kung bat yellow pa rin po si baby, alarming daw po kasi kapag ganyan