yellowish eyes
hello po mga mi ask lang po normal lang po na 1month na yellowish pa rin eyes ni baby ang hirap po kasi ng maulan ang panahon walang araw tuwing morning, ayan po pic ni baby ano po dapat kong gawin pure breastfeed din po siya:(

baby ko po nung 1 month may paninilaw pa po mata pero okay naman po poop and wiwi madalas kumain kaya pina continue nalang po paaraw and may pinainom na d3 kasi, pero need pa rin po ipa assess sa pedia.
normal lang sa mga newborn yan kase mommy same tyo pero exclusive breastfeeding kapo sa baby mo dapat at paarawin lng ng 6:30 paminsan minsan pumuti po eyes ng baby ko hindi na po yellow
hello mi, yung sa LO ko nung nagyellow na yung buong mata nya at umabot na sa tuhod pina-check up ko na para mas maging panatag ako. Kung gusto mo pacheck-up mo na sa pedia nya
bf ba kayo mi? yung baby ko pa 1month na din pero ilang beses lang napaarawan. pure bf ako and so far nakatulong yun para mabawasan paninilaw nya nawala na yung sa mata nya na paninilaw.
No po, sa akin na confine si baby jundice po yan at di po pwede mapabayaan days palang siya noon at di ko siya mapaarawan kasi naulan so nong check up niya confine na siya 🥲
yung anak ko mi may nireseta pedia niya pinapatimpla siya sa Mercury drug powder form tapos ihahalonsa breastmilk 1 week siya uminom after 2bweeks nawala na paninilaw
mommy ipa checkup mo po si Baby, baby ko wala pa 1month nawala na paninilaw di din napaarawan kasi bagyo din pinanganak baka subrang taas ng bilirubin nya sa dugo.
Pacheck up mo na po si baby mommy, 1 month na sya pero grabe ang paninilaw ng kanyang mga mata pati ng kanyang balat. Sana mawala na paninilaw ng baby mo.
Padede lang ng padede mi tas pag May araw paarawan mo or bili ka ng ilaw ung pang sisiw 1 month din halos dilaw mata ng baby ko non nawala nalang din
sakin po continues breastfeeding lng nawala rin basta check mo lng lagi na hindi kumakalat pagkayellowish nya kasi delikado kapag umabot sa utak


