1st due date Nov 7 tapos naging Oct 23

Hello po meron din po bang same case sakin. Kapag binilang sa 1st day ng last mens ko 35 weeks and 3days na po ako, sa unang ultrasound ko din due date ko Nov 7. Tapos kahapon po nag pa BPS ultrasound ako para malaman pwesto ni baby ang lumabas sa result 37 weeks na po ko bali due ko na sa Oct 23. Medyo nagulat po kasi ako kaya di ko alam excited na kinakabahan na po ako.

1st due date Nov 7 tapos naging Oct 23
17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa LMP po kasi di po talaga accurate kasi di po alam kung kailan nabuo si baby. Sa 1st utz nyo nag based lang dn sguro sa LMPnkaya same po ang edd. Kaya din po may 2weeks na advance or delay po sa panganganak at kaya po umaabot hanggang 42 weeks. Depende pa dn naman po kay baby kung kelan sya lalabas po. Kaya if ever po na lalabas si LO ng 40 weeks, probably nasa 38 weeks lang kayo kung mag bebased kayo sa LMP nyo. Based din sa placenta nyo naman pwede na kayo manganak kasi matured na po placenta nyo

Magbasa pa
TapFluencer

Follow pa rin po yung 1st ultrasound , sis, yung mga succeeding ultrasounds po lalo na kung malaki na si baby sa tummy mo, nagiiba iba na yung date dahil sinusukat na based sa timbang nya at laki nya.. kumbaga guide lang din yan so expect na within Oct katapusan to 1st week ng Nov po. not necessarily mean naman po na Nov 7 e yun po talaga labas ni baby, lalo na po if 1st pregnancy po.. estimated due date lang po talaga yan.

Magbasa pa

ganun dn po ung sakin, ung unang ultrasound ko nov.9 tas ung psngalawag ultrasound nov.13 tas ung last month which is 7 months nko oct.31 ung edd ,dn nag ask ako sa OB ko kung bat ganun ung result ng last ultra. sabi nya depende kc yn sa laki ng baby mo, pro ung accurate tlga daw is ung unang ultrasound,

Magbasa pa

kc sa frst baby q noon may 12 2015 ang due date pru ngpa ultrasound aq 2nd trimester na at non mlpt n aq manganak ngpa ultrasound uli aq ang due date may 11 2015 pru nanganak aq ng may 2 nglabor aq april 29.

same po tau una ultra sound q lumabas due q nov 2-7 tas ung last na ultrasound q uli naging oct 31 pro nun po ksi feel q naglalabor n aq pro mild p lng 1cm n dw po aq nung last chek up q nung tuesday

hala ganyan cguro skin.miee 35 weeks 4 days ko na bukas dew date ko nov 7 pero dipa aqo nag pa ultrasound ng 3rd tremister sna same tau miee para maka raos na ang hirap posision.matulog

kasi sis 3kgs na baby mo kaya 37weeks ang lumabas. Diet ka sis kasi malaki na baby mo for 35weeks pa lang eh. Mahihirapan ka manganak if lalaki pa lalo ang baby mo.

hi Mi. Same po tayo . Paiba iba rin po ang aking EDD nung una po mga 5 weeks 2days Nov. 4, then naging Nov.1 to October 27 na. kaya po 36 weeks 2 days ako now.

ang sundin mo sis ,ung 1st ultrasound mo,,, wag kng mag based sa 2nd and 3rd ultrasound mo kc nag bebased nlng ang mga ob sa laki at timbang ng bb sa tiyan

ako nga po nung una march 16 tas biglang naging 25 pero konti lang naman agwat, sabi naman po pag 1st baby pwedeng mauna pwede mahuli