Hello po. Maglabas lang po ng sama ng loob. 5 mos. na yung baby ko kahapon, March 3. Si partner wala ng mother kaya mga tita nya ang madalas magbigay ng advice sa amin pati daddy nya. Kaya lang nitong nakaraang mga araw nalaman ko na yung isang tita ni partner na kapitbahay lang namin eh dinadala si baby kung saan saang bahay ng di sinasabi sakin. Malalaman ko na lang pagbalik sakin ng anak ko o kaya minsan kinabukasan. Wala naman ako lakas ng loob na i confront tita nya that time kaya kinimkim ko muna. Kaya lang nitong nakaraang araw bago mag 5 mos. si baby eh inaabutan nya ng chocolate sabi nya pwede na daw pakainin sabi ng nurse na kapatid nya. Pero syempre di namin pinayagan ni partner. Dahil dun parang nawalan ako ng tiwala na ipahiram sa kanila si baby kasi baka mamaya pakainin nya ng kung ano ano. Dahil iba iba naman paniniwala pagdating sa pagpapakain sa baby. Baka ipilit pa rin niya pakainin. Kaya kaninang umaga nung hinihiram sakin si baby eh di ko pinahiram dahil inaantok na rin si baby kasi 5am sya nagising. 8am pinapakuha nya sa amin. Patulog pa lang si baby nyan. Tapos nung kinukuha na nung isa pang apo nya sabi ko na wag na muna kasi inaantok na nga at baka kako kung saan saan dalhin. Nakulitan na rin kasi ako sa kanila. After nyan nagulat na lang ako sinugod ako ng tita ni partner dito sa bahay at sinigaw sigawan nako. Di naman daw nila pinapabayaan anak ko. At kung ano ano pang sinumbat sakin. Na buti nga daw inaalagaan nila baby ko. Medyo na hurt ako pero sinagot ko sya na thankful ako sa pag aalaga nila sa baby ko pero ibang usapan naman kako yung pagdala dala nila sa kung saan saan ng di ko alam. Kasi paano na lang pag nagkasakit baby ko, di naman sila ang mamomroblema. Pero ayaw patalo ng tita, talagang nagsigaw sigaw pa din sya na masama daw sa kanya yung sinabi ko. Eh first time ko nga lang mag voice out para sa anak ko eh. Simula nanganak ako lahat ng gusto nila sinunod ko. :(
Mali po ba na sinabi ko yun sa tita ni partner?
Sobrang bigat po ng pakiramdam ko hanggang ngayon. Parang naisip ko na bakit ganun wala ba ko karapatan sa anak ko? By the way taga Manila ako at taga Pampanga si partner. Kaya lumipat ako dito before ako manganak last year. Wala akong kamag anak dito kaya mas nakakalungkot.
Anonymous