rant

Hello po mag rant lang po ako sainyo ng bahagya. Kaninang tanghali kasi magkakaharap kami ng parents ko tsaka pinsan ko. Biglang napag usapan yung about sa baby ko. Sobrang sakit lang na sa kanila pa mismo nang gagaling yung mga hindi magagandang salita. Kesyo panget daw magiging anak ko kasi hindi ganon kagwapuhan yung boyfriend ko. Hindi raw panglabas. Panget daw magiging ilong. Ayaw daw nila alagaan. Lahat lahat na. Na hurt ako ng sobra sobra. Hindi na lang ako kumikibo tinatawanan ko na lang. Pero deep inside sobrang sakit gusto ko na umiyak. Napaka emotional ko pa naman ngayon. Wala akong magawa, hindi ko maipagtanggol. Kung alam ko lang na yun yung kapalit ng pagbili bili nila ng mga gamit ng baby ko hindi ko na lang sana tinanggap. Kahit hindi ko isipin naiisip ko pa rin. Nasasaktan ako para sa boyfriend ko at baby namin. May tinutulong din naman boyfriend ko hindi lang naman kami naka asa sa kanila. Tsaka kusa nilang binibili yung mga gamit ng baby, hindi naman kami nanghihingi kasi alam namin yung responsibilidad namin sa baby. Hindi ko alam pano gagawin ko ?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

bka ngbibiro lang po sila. pgkalabas po ni baby. mgbabago po un, lalambot puso nila. ano pa itsura ng baby, blessing po yan.