Parang minamadali na ako ng boss ko na bumalik sa work

Hi po kasi nakukulitan na po ako sa boss ko sa work. Kasi po sobrang maselan po ang pagbubuntis ko dinudugo ako, nakakaranas ng matinding sakit sa puson at balakang. Pero regular po ang check up ko. Strictly monitored ako ng Ob ko. Mababa po kasi ang matres ko low lying placenta din po. Neto lang po nag open cervix ako at muntik na ako makunan. Which is nag inform naman ako sa work sa TL ko at sa Hr namin. Pero advise po talaga ng ob ko e hangga ng sa makapanganak na ako makapagpahinga. Pero umaasa pa din po ako na maging okay ako na baka sakali sa mga sunod na araw o buwan okay na po ako. So nagsabi po ako sa boss ko na di pa ako mkakapagsabi ng date kung kelan ako mkakabalik since sensitive ang pagbubuntis ko. Kakapasa ko lang din ng 1month muna na medcert for november 3-december 3. Nakukulitan po kasi ako sa boss ko e evry week tanong sya ng tanong kung kelan ako magiging okay. E naexplain ko naman na di pa ako makakabalik di ko pa alam kasi depende pa din if maging okay ako at ang baby. Sasabihin nya okay ayos lang naiintindihan daw po. Pero parang pinipilit nya naman po ako bumalik. Paulit ulit lang din naman po irereason ko sa knya e. Sabi ko naman po mag update po ako agad basta maging advisable na ako o magfit to work na ako. Opo inaamin ko di ko kasi basta maggive up yung work ko kahit sinabi na pahinga na hanggang makapanganak ang hirap po kasi mawalan ng work e lalo na pandemya. Umaasa po ako na maging okay din at makabalik pa. Sila din naman po nagsabi na ang work nanjan lang e mas importante yung health. Pero parang minamadali naman po ako bumalik kahit di pa ako okay. Ano po ba magandang sabihin na in a good way na baka hanggang sa makpanganak na ako pinagpapahinga?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

When i was working.. grabe.. andemanding din sa work ko. Yung tipong ako na mismo yung kahit may sakit ako kelangan ko pumasok kahit bagyo pa yan at baha papasok pa din ako kase ako ang matatambakan if di ako papasok. Sobrang dameng tao ang maaapektuhan if matagal ako mawawala since payroll ang hawak ko. Sa tingin ko, depende din kase yan sa nature ng work mo sis. Di ba pwede g magwork from home? Di ko din kase alam bakit super nangungulit na si boss mo. Tama ka na mahirap mawalan ng work ngayon laloโ€™t pandemic. At nasabi din ng ob mo na mas okay if hanggang makapanganak ka ng mag bed rest. Pag-isipan mong mabuti at timbangin mo din. Kase while you are protecting your child.. baka naman nagiging unfair ka din sa work mo na baka kelangan give up mo muna so someone could do your job. Or baka makulit lang talaga si boss. Dagdag stress din kase sayo habang every week sya nagfafollow up diba? Pagpray mo.. pag-isipan mo.. ang pede mo lang kase talaga sabihin is yung real situation mo na kelangan mo magbed rest hanggang sa makapanganak na kase sobrang selan ng pagbubuntis mo. If un di nila maiintindihan.. i guess kelangan mo magdecide talaga. Sana maging maayos pa din ikaw soon... same mo kase naging maselan din ang pregnancy ko at kelangan ko talaga i give up ang work para kay baby since asa 30s na din ako.. ayokong irisk na mawawala baby ko. Up to now.. hands on mom ako.. kakamiss magwork pero di ko pa din pagpapalit na andito si baby ngayon.

Magbasa pa