Need Advice

Hi po, im preggy po due date ko po sa October 1st week. And live in kmi ngayon ng partner ko for almost 8 yrs. Wala po kmi work pareho ngayon, galing po kmi ngwork sa ibang bnsa then meron naman po naipon lp ko para sa panganganak ko pero i think hndi po talga enough yun for the needs namin ni baby especially after panganak. Ang lagi nya lang po ginagawa is naglalaro ng computer buong magdamag hndi niya po ako masyadong inaasikaso ako pa yung nagluluto naglilinis naghuhugas ng pinggan, naglalaba, parang sya pa ata yung buntis. Sya naman tulog pag umaga hnggang hapon. Tapos laro na namn ulit. Pero hndi nmn po sya nagkulang sa support namin ni baby kse sya namn gumagastos sa lahat ng prenatal check ups ko, laboratories and vitamins, nakatira kami sa family nya okay namn sla lahat kasama. Lagi ko syang ine encourage na magwork nung maliit pa tyan ko kse baka mashort kmi eh ayaw nya tlaga kse daw sbi ng doctor bedrest lng ako wala daw magaasikaso skin. Paulit ulit ko syang pinagsasabihan na mghanap ng work smula na nwala na yung subchronic hemmorage ko pero matigas pa rin ang ulo ayaw nya daw kse maliit lang sahod dto sa pinas. Tapos ngayon parang tinitipid nya pa ako kase ayaw nya ako magpa 4d ultrasound gastos lang daw, ok lang namn daw kahit wala total makikita nmn daw namin sya pagka panganak. (ang sakit lng kse parang hndi sya excited makita baby namin na mas clear ang mukha. Ok ndaw skanya na nakita nya si baby last ultrasound nung nagpa CAS ako. Tapos ngayon ayaw niya pa bumili ako ng mga gamit ni baby pag malapit nalng daw kaya ngayon wala pa tlga kming gamit ni baby kahit isa. Sabi ko pa namn sa knya dati na gusto ko ready na lahat ng gamit ni baby this month ?And meron pa, naiinis ako tuwing nakikita ko syang nglalaro hnggang umaga para bang buhay binata lang tapos pag gising ko sya naman matutulog pa lang. Edi sana nagcall center nlng sya. Sa tingin nyo po ready na po kaya sya maging ama? karapat dapat ba sya? Naiisip ko tuloy sana hndi nlng namin ginawa to kung hndi pa sya ready, actually sya ang may gusto na mgkaanak na kmi kse hndi pa ako ready that time and konti lang ipon ko. Tas ngayon gnyan pinapakita nya sakin ?Para akong nadedepressed tuwing iniisip ko lahat lalo na't nafefeel ko na parang hndi tlga sya excited sa baby namin di nya rin kse msyadong kinakausap busy sa kakalaro ako pa lagi ang tumatawag sakanya para kausapin nya.

10 Replies

hmmm, malapit na yung Oct 1, so dpat by this time may mga gamit na si baby, kahit hindi mga branded okay na yun, alam ko naman 1st baby nyo yan pero mainam narin maging praktikal for now specially wala kayo work parehas, regarding sa 4d ultrasound may point si lip mo kahit papano mejo expensive din naman kasi ang cas ultrasound so tingin ko okay na yun, (for me ha). regarding naman sa paglalaro nya pwede mo naman sya kausapin kung ano ba plano nya para sa inyo ng anak mo, kasi yung ipon na sinasabi mo for sure mauubos at mauubos yan not unless kung may income na pumapasok to cover up yung daily expenses nyo. much better sis kung kausapin mo sya ng maayos para sa future mo and if ever na mafeel mo hindi sya ready and hindi sya magiging responsible enough, you need to decide kung ano makakabuti sa inyo. hindi naman pwede forever sya maglaro sa gabi at tulog maghapon mas madaming needs kapag andyan na si baby. Ingat and Godbless

VIP Member

Ikaw na lang Momma bumili ng gamit ni baby kung ayaw ka samahan ni mister. Gulantangin mong meron na pala hahaha! Nakakalabas stress din yun. Nakakatuwa rin mamili. Hayaan mo siya! Kung may pera ka ikaw na bumili o magpasama sa isang relative na close mo. Sa 4D pwede naman kahit 3D lang mas mura pero kita ma rin mukha ni baby. Pero depende kung may budget ka. Pagisipan mabuti ang pakikipagsama sa partner mo Momma. Lahat ng katangian niya kung pwede ba siya maging asawa o ama lalabas yan kapag nandian na lalo si baby. Kaya asses! Ayun lang kaya kong sabihin kasi ganyan ako ngayon sa partner ko. Hehehe! Go Momma! Kaya mo yan. Lumabas ka na at bumili nggamit para medyo mawala stress mo sa asawa mo

Antayin mo na lang muna na manganak ka. Sabi mo nga wala kayo work pareho ngayon. Kung iiwan mo sya pano kayo ng baby mo. Kung tingin mo kakapusin kayo sya ang pagproblemahin mo kung san sya kukuha pera di ka naman nagkulang sa pagpapaalala. Kung ganyan pa din sya pagkatapos mo manganak pagisipan mo uli yang tanong mo.

And sabi mo nga tingin mo di sapat ung ipo nyo para sa panganganak mo bakit kelangan mo pa ng 4d? Kami kasi parehong working pero di namin pina4d. Kasi mas gusto namin na masurprise sa itsura nya pag labas nya.

Momsh regarding 4D, hindi naman na kailangan un, maski nga CAS di namin ginawa kasi I also consider the amount of money that Will be spent... if ur hubby said na xa bahala, just trust in him... ang role lang natin mga Mommies ngaun is magpalakas and lessen the stress...

TapFluencer

Dapat kahit paano unti unti may gamit na si baby.. Mabilis ang araw, also take advantage if may mga baby fair and mom expo to avail baby essentials na nakapromo. As for 4D, agree to other na di naman talaga sya need. And good din na nakapag CAS kayo. Pray, pray.

Josko. Ganyan na ganyan tatay ng panganay ko mumsh. Ngayon hiwalay na kame. Sa ibang bansa din siya nun. Pag nagbabakasyon puro laptop. Di man maalagaan anak namin. Kaya ayun di nag work relationship namin. So irresponsible.

Kausapin mo po sya.. sabihin mo po lahat ya sa kanya para marealize nya na nahihirapan ka na sa kakaisip sa kanya. Baka kasi maging dahilan pa po yan ng maagang panganganak mo dahil depress at stress ka

thank you po sa mga advice nyo momshies nkakatouch po kahit papaano 😊💖

VIP Member

speechless ako dear

kaStress nga po gnyan..kahit pa po milyones naipon nyo sa abroad, kung wala senyo ngwwork at magkakaBaby, mauubos po yan. Wag nmn sana pg anjan n si baby saka masimot ipon nyo at wala n pngprovide..hindi pa nga po matured partner mo at mkha di pa ready mgkapamilya. mgbago po sana sya ng outlook pg lumabas si baby, mgkaron sya ng inspirasyon mgpursige..otherwise iwan mo n po, uwi k muna sa pamilya mo hanggang maging ready sya

Trending na Tanong