di na malikot

Hello po, i'm 21 weeks pregnant, last week malikot pa si baby, pero mga pang 3days n siguro to napansin ko di na sya halos nag lilikot. Normal po kaya ito??may nka experience po ba nito sa inyo?

di na malikot
24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako rin sis ganyan ako, 26weeks na ko via lmp pero kung susundin ko last utz ko nasa 24weeks pa lang ako ewan magulo haha, so ayun nga few days ko na napansin na parang di na sya ganun kalikot, anterior placenta ako di ko alam kung umangat na ba sya dati kasi sa bandang puson ko sya naffeel , ngayon parang nasa pusod na, nararamdaman ko pa rin naman pero hindi na as intense as before, ewan ko nagdadasal na lang ako, kasi wala ako masakyan gustuhin ko man pa utz di ko alam san hahanap, sarado lahat, di ako makapunta sa hospital na malapit dito samin kasi may namatay ng covid positive .. 😢😢

Magbasa pa
VIP Member

Kung 3days na po na di niyo nafifeel ang pag galaw ni baby, i think you should seek for an OB. Para po makasure na okay lang si baby. If walang OB malapit sa inyo, pwede naman po siguro kayo magpa ultrasound sa mga bukas na clinic. Okay lang naman siguro yun kahit walang request ng OB.

Normal yan sis.. pero magbabalik kulit din yan,,hehe magkasabayan lng tau pero itong baby ko basta naglumikot gutom hehe pagkakaen ko nman biglang sisipa..at tatahimik n pag busog..observe mo lng kpag nkpahinga ka ggalaw yan pero pag kc gumglaw tayo tulog siya hehe

VIP Member

Pag ganyan po mommy kain ka po sweet gagalaw po sya ulit dapat more on rest po kau then always talk to your baby ..kantahan mo pa sya kumustahin if sa isang ara d msyado magalaw normal pa po yun pero qng buong araw eh wala delikado na po iyon keep safe po🙏🏻😊

VIP Member

Check mo lagi mamsh bilangin mo sipa niya dapat may 10 sa 2 oras kasi meron dito samin 3 days ng hindi gumagalaw baby niya sa tyan niya yun pala patay na manganganak pa naman sana ngayong MAY. Observe mo mamsh. Kain ka ng chocolate pra maging active siya.

Try mo uminom ng maraming tubig, tapos exercise ka upo tayo lakad, tapos pahinga ka pakiramdaman mo sya try mo makinig sa music, tapos magtutok ka flashlight sa tyan mo, Within 2 hours dapat at least 10 kicks pag wala pa go to your ob na.

5y ago

Eh ilang beses po kelangan bilangin yung galaw ni baby, okay lang po ba once basta within 2hrs maka 10kicks sya or kelangan mga twice mo gagawin yun pero magkaibang oras na tig 2hrs?? For example: after meal ng lunch and dinner ang pag count or okay lang kahit isang beses after meal ng lunch? Basta may 10kicks sya within 2hrs for the whole day para masure kung okay si baby?? Di pa kasi ako nasasabihan ng OB ko about sa pagbibilang ng kicks kaya naguguluhan ako pano yun. Thank you

Nakakapraning talaga tong fetal kick count, asar na asar na nanay ko sakin sa sobrang praning ko daw, sya kasi nung nagbuntis lalo na sa bunso namin never daw nya naramdaman gumalaw naramdaman na lang nya nung naglelabor na sya ..

VIP Member

may times po talaga na hndi malikot c baby mamsh. kahit ako din po nun na bother 1 day sya d nag likot. pero sbi naman ni ob normal lang daw po as long na na ffeel mo sya sa tummy mo😊 #24weekspreggyhere

Bili po kayo ng doppler. Ganyan din ako naprapraning pag di mafeel gumalaw c bababy, pero pag doppler ko, ok naman heartbeat, kaya napapanatag ako somehow. Then try nyo uminom ng malamig na juice.

5y ago

Ayy, hehe. Sa shopee nung di pa ng lockdown.

VIP Member

Normal lang po minsan na behave lang sya. Ganyan din po ako, minsan napapraning. Pero sv ng ob as long as walang bloody discharge or severe pain don't worry. Lagi nyo lang kausapin s baby.