Tips on how to properly produce breastmilk?

hi po, i have newly given birth to a healthy baby girl. Yesterday my milk production started and I now have fully engorged aching breasts. Problem is no matter how hard or tough my baby sucks on my nipple, wala pong breastmilk na lumalabas. Tried to warm compress, hand massage, and manual breastpump na po, ilang tulo lang ang lumabas. now I have my baby on formula milk na lang muna while I wait for my milk to come out. ANY TIPS PO ON HOW TO PROPERLY PRODUCE BREASTMILK? THANKS

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ipa'unli latch mo lang mommy lalabas din po yan. Normal lang ng kunti pa lalabas na milk sayo since kakapanganak mo plang. Matalino body natin mommy the more na ipapalatch mo yang dede mo kay baby the more na magsasabi si brain na magproduced ng milk kasi need na ni baby. Kung stop mo at mag formula milj ka na lalo di lalabas gatas mo hanggang sa wala na lalabas jan hindi kusa lalabas or lalakas ang gatas mo mommy kailangan nya help ni lo mo. Sakin nga pang 4th day pa lumakas gatas ko pinapalatch ko lang kay baby lagi hindi ko siya ni formula tapos kain lang ng mga masabaw na ulam at lagyan ng malunggay. Feeling mo lang wala na dede si baby mo which is meron yon yon colustrum as long as may poop at wiwi si baby ibig sabihin may nadedede yan sayo. Kaya hwag ka mag stop magpa'latch mommy.

Magbasa pa
Post reply image

Take or eat ka lang momsh ng pampadami ng gatas. Malunggay, oatmeal, milk, (if meron) balinsasayaw na pwede mong gawing nido soup or simply halo mo lang sa milk mo na may mainit na water. take ka din malunggay capsule. or inom malunggay tea. tapos more on shellfish.

VIP Member

normal lang ang ganyan sis usually after 5 days pa ang pag dami ng milk mo always mo lang i pa suck kay bb den drink lot of fluids eat plenty din higop ng sabaw na may malungay leaves and naka 2lng dn sa akin ang pag inum ng natalac twice a day

kaen ka sis ng sinabawan na halaan na my malunggay or take ka ng malunggay capsule, linisin muh din ung nipple muh ng bulak na my mainit na tubig. sabi nman saken ng pedia q 3-5days bago daw talaga lumakas ung milk.

Kahit walang lumalabas hayaan mo lang pa dede kay baby, tapos wag mo pisilin nipples mo, yung brown paikot sa nipple yun yung I hold mo sa dalawang daliri, paulit ulit press, lalabas din yan

Super Mum

maybe check on baby's latch? and this early di pa din naman talaga sobrang dami ng milk. if you have silicone breast pump that could help too.

Try mo po magtake ng morelac 3x a day.Then sabayan nyo din ng dahon ng malunggay ibabad sa mainit na tubig for 5-15mins then inumin.

pa dede mu po ng pa dede sa baby mo mommy.. ganyan po tlga. prang kumbaga kelangn pa po maalis ung nkaharang sa labasan ng gatas.

fresh malunggay juice with kalamansi pinaka effective na milk producer.. proven and tested ko po ngayon... First time mom here..

VIP Member

do the magic 8. u can join the magic 8 group sa fb. naghehelp sila mag increase ung milk mo