Kasama sa bahay problems

Hello po, hingi lang po sana ng advice mga ka asianparent. I’ve been living with my live in partner for almost 2 years dito sa bahay nila. May 8 months old baby din kami. We were peaceful dati until dumating yung lola nya na soooobrang daming napapansin. Ultimo mga langgam na nasa labas na ng bahay, way ng pagsasandok ng kanin at pati yung asong hindi naman sya ginugulo at nananahimik sa sulok pinapakealaman nya. Pati mannerism ko na mag galaw galaw ng paa pinapakealaman din. Kahit po may tao nagsasalita padin po sya. Until such time na nag apply po ako ng trabaho. Nakauwi ako ng hapon since hindi naman malapit yung inapplyan ko tapos naghintay din po ako dun kung kailan ako matatawag kase hindi lang naman ako yung nag aapply. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto bigla nyakong sinundan at pinagsisigawan as if di ako nagpaalam sakanila at nag gagala lang ako. Mind you po nagpaalam ako sakanya ng maayos and I even asked her to pray for me to pass the interview. She never took a second to ask me kung bat ako natagalan bago nyako sinigawan and they were pressuring me by constantly texting me kung asan na ako? O umuwi nako during my assessment. Instead of focusing on what I’m doing, I’ve been pressured kase vibrate ng vibrate yung phone ko. They don’t want me to work daw kase may baby daw kami and walang magbabantay wherein anjan naman po yung papa pag gabi and sila. Nawoworry po kase ako masyado nila akong pinipigilan o pinipressure sa lahat ng bagay wherein naaawa lang naman po ako sa baby ko kase yung sweldo ng asawa ko 1k lang per week minsan lower pa. Yung 500 plus don, pamasahe nya po which makes the money insufficient kase gatas palang po ng baby is 200 plus na and yung diaper is 200 plus din yung 200 plus pa minsan pinambibili nya ng juice ng vape. Hirap na hirap na po ako gusto ko na pong umalis but I have things to consider. Is it right to find a way out since my husband don’t have any plans na magbukod o maghanap ng reasonable work with reasonable salary or should I stay here,wait for a miracle and maghintay sa wala? I’ve discussed this problem with my husband po kase pero ang dating po is parang wala lang sakanya. He don’t wanna get involved pa nga po pag sobrang nasasaktan nako sa mga nangyayare dito. Sana po may mag advice. Salamat sainyo po.

1 Replies

VIP Member

Live-in Partner po ba or husband na? Baka po kailangan mas iexplain mo sa kanila na kailangan mo na din mag work para may panggastos kayo since mataas din po mga prices ng needs ninyo. Baka naman madaan pa yan sa mabuti at mahinahon na usapan. Tsaka, yung 200+ na pang bili ng juice ng lip mo importante ba yun? Sa totoo lang, alam ba nya priorities nya? Alam ba nya mga negative effects ng vape sa tao, lalo na sa welfare ng baby? Talk with your lip again po, yung mas masinsinan, tell him your feelings and ask him din ng husto yung side naman nya. Sa work naman, siguro may mga wfh na pwedeng mahanap, mas okay siguro yun para wala silang masabi sa pag labas mo. 😅

Siguro po if ganyan ang trato nila sayo from your lip to his parents, mas okay nalang siguro na you take a break from them muna if possible. Kasi baka if magtuloy tuloy yan is magiging toxic ang relationship ninyo lalo at baka maapektuhan din yung pagtrato sa anak niyo. But still, try to explain to your lip na hindi mo naman intention na apakan yung pride niya, I mean mas importante ba yung pride nya kaysa sa relationship nyong family nya? Tsaka para naman makaipon ka, pwede naman ang mag online business. Be a reseller or sell something online, para atleast kahit di ka lumalabas is makakaipon ka parin. 😊 May mga businesses na nag ooffer ng no puhunan, mga dropshipping pwede din. (I can offer that ☺) Pero I'm not an expert po ha, I'm just saying my opinion. I hope na maging okay kayo soon. 😊

Trending na Tanong