need advice
hello po hingi lang po ako ng advice nyu..before pa po kasi ako mpregnant wala kong work pero d2 sa bhay andami ko pong ginagawa lyk asikaso kay hubby linis ng bahay,laba,then ako din hatid sundo sa skul sa pamangkin ko minsn ako dn ngluluto sknila bntay dn sa nanay namin na old na..but now maselan kasi pagbubuntis ko nag spotting ako ilang beses na then kahapon ulit spotting nanaman ngpa check up ako sabi ng doctor bed rest daw tlga ako. panu kaya ako mka bedrest nito sa kalagayan ko dami ko gngwa d2 sa bhay..ayaw ko naman mawala sakin ang anak ko..minsan ngglit pa skin c hubby d ako nkpag laba den nakabili ng ulam namin nung pag uwi nya from work..anung gagawin ko need ko tlga mag bed rest ganun dn sissy ko prng glit skin kc dko naasikaso anak nya dko nhtid at sundo. ang hirap talaga..ayaw ko mawala c baby sakin..ayaw ku din nmn ngglit cla sakin..bat d nila maintindhan sitwasyon ko?ng buntis?huhuhu please need some advice po thanks
ay nako, parang naiinis naman ako sa ginagawa sayo/ nangyayari sayo diyan sa bahay ninyo. pabayaan mo lahat ng mga iyan Mommy. mas importante ang kapakanan ninyong dalawa ng baby mo. bakit, sila ba ang nahihirapan at nagdadalang tao? kapag may nangyari sa inyo ng baby (wag naman sana), may magagawa pa ba sila? saka iyang partner mo eh, miski pa nagta-trabaho siya e dapat niyang intindihing kailangan ka parin niyang tulungan at intindihin lalo't maselan pagbubuntis mo. nakakaloka. dapat may kusa siya at wag ka niyang hayaang matagtag at mastress. kapag sinabi ng OB mo na bed rest, bed rest lamang Mommy. lalo na pang ilang beses na palang spotting iyan. please, take good care of yourself, wag mo muna sila intindihin dahil walang ibang mas importante ngayon kung hindi ang baby mo at sarili mo. oo, wala kang work and homemaker ka even bago ka mabuntis. pero iba na sitwasyon ngayon dahil nagdadalang tao ka at maselan kalagayan ninyo. pray ka and palakas ka para malampasan ninyo ng baby mo ang delicate stage na iyan sa pagbubuntis mo. kain ka palagi ng healthy and more water.
Magbasa paItanong mo dyan sa magaling mong asawa at kapatid kung may pakialam ba sila sa baby na nasa sinapupunan mo. Kung ikaw ay kasingselan ko sa pagbubuntis, yung nakahiga na nga lang eh dinudugo pa, aba, hayaan mo sila kung magagalit sila. Nung nagbuntis ako, from 8th week until 37th week (cs the next day) nakahiga lang talaga ako. Nakakapunta lang ako sa cr pag poop at ligo. Bawal umakyat ng hagdan kaya sa sofa lang ako natutulog. May kalapit na arinola dahil every 10 to 15 minutes ang wiwi ko. Bawal maglakad ng maglakad. Dinadalhan ako ng pagkain sa sofa. Bawal tumayo at umupo ng matagal. Ang hinihigaan ko, ang mga damit na susuotin ko, lahat ng kailangan ko...sila ang gumagawa/nag-aayos. Yung dalawang aso ko (paralyzed ang isa at may sakit pa), family ko ang nagpakahirap mag-alaga. Lahat sila, from hubby hanggang sa nag-iisang pamangkin ko, tulong-tulong sila para suportahan ang pregnancy ko. I-screenshot mo ito at ipabasa sa kanila. Nakakainis kamo sila. 🤨
Magbasa paNung nagbbuntis ako. Siguro mga mag 7mos ako sabi ob ko (which is kapatid ng hubby ko) nagbbukas daw cervix ko. So totally bedrest daw ako. As in literally BEDREST. Ang tayo ko lang daw sa kama ihi at ligo. So samin muna ako nagstay sa side ko. Kasi walang magaasikaso sakin pag sa bahay ng hubby ko. So nung sinabi ko samin asin totally inalagaan nila ako as in may pa breakfast lunch at dinner in bed ako for 1mon. Kasi naiintindihan nila. Before nung di ako nagbedrest nagaalaga ako ng pinsan that time 4mos old siya so lagi ko siya buhat. Pero naintindihan nila na dina pede. So ikaw mamshie Ipaintindi mo sakanila na doktor na nagsabi. Pag dipa nila maintindihan. Hayaan mo sila magalit at pag dumating na sa point na napuno kana DUN MO NA ILABAS ANG LAHAT MAMSHIE MAHIRAP MAGING MABAIT LALO NA PAG ANAK MO NA NAKASALALAY. Just sharing lang mamshie. Tatagan mo loob mo okay? ❤❤
Magbasa paNabedrest din ako at ang explain sa akin ng OB ko literally nakahiga ka lng sa kama, tatayo ka lng pagkakain ka at magccr tpos balik na sa kama at iwas din sa hagdan. Maging matapang ka para sa anak mo wag ka papayag gaganyanin ka nila mga walang empathy sila. Nakakainis sila. Iba iba ang katawan ng tao may maselan magbuntis meron din naman nde. Dapat maintindihan nila ang sitwasyon mu lalo na ang asawa mu. Isama mu sila sa OB lalo na yan asawa mu ng malaman nya mismo. Ano un magaling lng sya pagmamakipagtalik sayo pero ngaun buntis kana nde nya maintindihan ang sitwasyon na parang wala kang dinadala. At sa kapatid mu naman panahon na para sya mag alaga ng anak nya. Anak nya un sya may responsibilidad dun. At higit sa lahat kapit lng kay Papa God. Hinding hindi ka Nya pababayaan.
Magbasa paaĸo nυng pιnagвedreѕт aĸo d naмn aĸo nag ѕpoттιng pero pιnaιnoм aĸo ng paмpaĸapιт ĸc вaтaĸ dιn aĸo ѕa gawaιng вaнay..open aĸo ng тιndaнan нaтιd ѕυndo ѕa мga ĸιdѕ ĸo..aѕιĸaѕo ng ғood nιla pero nυng pιnagвedreѕт aĸo нaloѕ laнaт ng gawaιn ĸo paтι pagнυнυgaѕ ng pιnggan,paglυlυтo,paglalaвa aѕιĸaѕo ѕa мga вaтa нaloѕ laнaт υn aѕawa ĸo gυмagawa вago ѕya pυмaѕoĸ ѕa worĸ..pтι pag open ng тιndaнan ѕya na dιn gυмagawa..naѕa pagυυѕap nyo yan ĸυng тlgang concern ng aѕawa мo aт ĸaмag anaĸ мo υng вaвy мo т ιĸaw мaιιnтιndιнan nιla υng ѕιтwaѕyon мo..мaѕ ιмporтanтe ѕι вaвy aт ang ĸalυѕυgan мo..υn ang мaѕ ιprιorιтy мo...😉😊😊
Magbasa paim 26yrs old getting married on next month. 1st baby ko to kaya wala din ako idea sa mga dapat gawin. Haha Kagagaling ko lang ng hospital kahapon. Nagspotting din kasi ako for 1week. Antakot ko pa kasi sabi for raspa daw. Kaya ayun nagpaultrasound kami. Okay naman c baby. Sobrang lakas ng heartbeat..Stress lang daw at mababa daw ang matres. Bedrest din payo ni doc. Tas may reseta na pampakapit. Bawal maglakad lakad at magbuhat..bawal din sexsual contact. so ngayon asa house ako ng boyfiee ko. Kasi kapag sa bahay namin mapipilitan talaga akong gumalaw kasi may alaga akong 45days na manok. Anyways.. Ingatan mo baby mo kasi mahirap kapag nawala yan. Pray lang lagi at wag pakastress. Bawal din sobrang emotional. Mkksama sa baby
Magbasa pasundin mo ang sinabi ng dortoc bago pa mahuli ang lahat,anu shaka ka lang nila maiintindihan kapag may nangyare na sa baby mo, any way yung mga magagaan naman n trabaho ok lang na gawin like bibili nt ulam or mag hahatid at sundo lang pero kapag ikaw pa nag prepare sa lulutoin o mag aasikaso sa mga pamangkin mo ibang usapan na yun, lalo na pag nasa 1st trimister ka, kasi mas dilikado sayo,parang ako lang sabi ng doctor bawal ako mapagod umalis ako agad sa trabaho ko kahit wala akung income everymonth kahit kaya ko pa naman mag trabaho hindi ako nag dalawang isip kasi naranasan ko na naalisan dahil sa katigasan ng ulo ko, kaya ikaw sis kausapin mo sila ipaliwanag mo ng maayos, maiintindihan ka din nila mag pray ka lang
Magbasa pasis laba talga pinka iiwasan mong gawaen kahit ng pag dalaga kpa eh lagi ako sinasabhan ng mama ko. nako mesyo mahirap pag bed rest ka. pero lakasan mo loob mo konting sacrifice lng para kay baby ah. s angyon need ka muna tulungan mga relatives or mother mo kahit hanggang makapngak ka lng ng safe yang mga gawen n kase n yan daig mopa ns work place. mas ok pa ns aoffice ka nkaupo k lng eh s buntis talga dapat laging relaks lng sa morning konting lakad lakad ma exercise tapos lagi dapat relaks at hindi stress. try na kausapin mo din si hubby mo na konting sacrifice muna na madoble muna mg gawain nya ganun talga. maiibsan nmn yan pag lumabas na malusog si bibi. :) godbless
Magbasa paawww sis rmdam kita. ako nmn working pero allowed mgwork at home kaso tlga may chance di ako pwede mgwork tas mgeemail ofc wala ako choice kaso kada upo ko mtgal sumsakit nmn puson ko stab pain sya. pero wala nmn spotting advise to bed rest din. tas mga kaptid sinsabihan ako wala pakinabang kasi di mn lng ako nkakapglinis di ko din naasikaso asawa ko minsan pero buti nlng understanding sya di nya ko pinpapakilos.. ang hirp lng kasi wala ka magawa pakiramdam mo wala k din kwenta, nakunan n ko once kya ngyon tlga tinitiis ko naririnig ko ayaw ko mawala nnmn si baby ko.. kya mo yan sis, deadmahin mo muna pra kay baby. praying for your safe pregnancy din.
Magbasa paBat kailangan mupa asikasuhin asawa mo ? Wala bang kamay at paa yan ? Alam mo minsan pakilusin mo din kasi di porket sya ang nagwowork di na sya pwede kumilos jan sa bahay nyo .. at buntis kapa , di ba sila natakot at nagimbal nung nag spotting ka? Grabe nman yang mga kasma mo parang mga walang pakiramdam wlaang konsensya ! Yang ate muna man tutal sya namn nag anak don sa anak nya vakit hindi sya ang magbantay at mag alaga . Lols dati oo okay lang na ikae ang gumawa ng lahat ng gawain kasi di kapa buntis pero ngayon iba na dapat mag adjust din sila ... kung ako sayo open up mo yan sakanila Pag ayaw maniwala edi isama mo sa ob mo para matapos na dba .
Magbasa pa