Needs opinion ?

Hi po . Hihingi lang sana ko ng opinion nyo. If di po kayo kasal ng tatay ng anak nyo . then nakipag hiwalay sya. at ikaw lang gumagastos sa pagbubuntis mo. at marami pa syang sinabi na masasakit na salita sayo . Iaapelyido nyo pa ba sa tatay ng anak nyo if sa mismong araw na manganaganak sya is pupunta sya or pumunta sya ?

46 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same scenario. Lalo na ngayon sa pinagbubuntis ko. Buti ka pa sis hiniwalayan lang. Sakin nga may babae at proud pa sila 😂😂 Anyway, with your question, alam kong may galit tayo sa mga tatay ng anak natin but don't you think hindi dapat madamay yung bata? Ayan din yung una kong plano, na wag ipangalan sa kanya yung bata pag nanganak na ko this October pero naisip ko, hindi ba mas parang lalo ko lang pahihirapan yung bata in the future? And isa pa, though by law, surname talaga ng nanay ang initial na dapat gamitin ng bata, right pa din naman ng bata na dalhin yung apelyido ng tatay. Lalo na kung willing naman yung tatay na kilalanin yung bata. Maswerte ka sis kasi gusto nya kilalanin anak mo. Yung iba kasi, totally gago. Nambuntis lang, sabay takbo. And isa pa tama po yung comment ni teacher sa baba. May impact sa bata yan habang lumalaki. Totoo yun kasi patunay ako dun. Eto yung mantra ko lagi i share ko na din sayo. A bad spouse doesn't equal to bad parent. Yung sustento sa bata, isang factor lang ng parenting yan. But in the long run, the fact na anjan sya para sa bata at nagpapakatatay siya para sa anak nyo, it's a win-win.

Magbasa pa
Related Articles