breastmilk help

Hello po, help naman po ano pwede gawin. Kapapanganak ko po kahapon pero wala po lumabas sakin na gatas sa breast ko. Napilitan kami bumili formula milk kahit ayaw ko kasi sobra gutom na siya. Ano po pwede gawin para magkaron ako ng milk? Puro sabaw nako ng malunggay at ung lactation milk na malunggay. Ang lambot prin ng boobs ko parang walang laman. Huhuhu

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Try and try lang talaga sis. Ipadede lang po talaga kay baby. Pwede niyo rin po imassage yung bandang dibdib niyo at likod niyo. Pwede niyo po isearch sa Youtube kung paano. Iwarm compress niyo po gamit face towel. Inom ng maraming tubig. Yan ginawa ko po yan para magkagatas po. Kaya niyo yan. Magkakaroon din kayo ng breastmilk.

Magbasa pa