Mothe in law
Hi po. May gusto lang po sana akong i-share. Halos 1 taon na din akong nagkikimkim ng sama ng loob sa magulang ng asawa ko. Ewan ko ba, hindi ko po alam kung parte pa po ba to ng Postpartum Depression or sadyang kinaiinisan ko ang nanay ng asawa ko. Bale 1yr and 2months na si baby namin. 1st baby po namin. Ok naman sana ang biyenan ko. Mabait po siya. At pagdating saaming mag asawa wala po siyang pinapaboran. Ako pa nga po ang mas pinapaboran nya kesa sa asawa ko na Anak nya. Pero hindi ko po gusto yung ugali nya pag dating na po sa anak ko. Mahal na mahal po nila si baby since first apo din po nila. Pero Hindi po ako manhid para hindi ko makita at mapansin sa bawat kilos nya pag dating sa anak ko. Masyado din po siyang maselan kay baby. Over protective ba, na halos parang OA na. Minsan minamanduhan nya din ako sa anong mga dapat kong gawin. First time mom ako, oo alam ko po yun. Pero hindi ibig sabihun nun, eh wala akong alam pag dating sa pagiging nanay. At hindi rin ibig sabihin nun wala akong alam sa mga bata. Panganay po ako sa anim na magkakapatid. Halos ako lahat ang nag-alaga simula nung maliliit pa mga kapatid ko. Tinutulungan ko si mama ko. Kaya madami din po akong alam sa mga babies. Pero itong biyenan ko, masyadong nagmamagaling. Akala nya porke malalaki na anak nya alam nya na po ang lahat. Nakikitira lang po kasi kame dito sa bahay ng mga magulang ng asawa ko. Dahil wala pa po kameng bahay. Sa totoo lang po, gustong gusto ko nang bumukod. Hindi po ako makapag-bwelo dito. Hindi ako komportable sa mga kilos ko. Lalong lalo na, hindi ako bwelong maging “mama” ng anak ko. Dahil yung biyenan ko madalas akong pangunahan. Ultimong pagkain ng anak ko, minamanduhan nya. Kahit hindi naman bawal, bawal daw. Mag-isang taon akong tikom-bibig lang parati. Kahit sobrang inis na ako, tahimik nalang ako parati. Pag aalis kame, alam kong natural na magpaalam kame sakanila tanda ng pagrespeto kasi dito kame nakatira, pero kailangan po ba talagang tanungin kame kung bakit aalis?saan pupunta?anong gagawin? Anong oras uuwi? Ina na ako pero parang bumalik ako sa pagiging dalaga na kailangan mag explain bago umalis ng bahay. Minsan din ayaw nilang ipasama ang anak ko. Iwan ko nalang daw. Pero hindi naman nila binabantayan anak ko. Selfish din sila, kasi gusto nila dito lang kame. Ramdam ko po na ayaw nila kameng pumupunta dun kila mama ko. Madalas pag nagpapaalam ako na isasama ko anak ko papunta kila mama ko, sinasabi ng biyenan ko na iwan ko nalang daw si baby. Ano po bang masama kung isama ko ang anak ko para magbisita sa mga magulang ko? Lahat ng inis ko, kinikimkim ko. Di ko din po ito masabi sa asawa ko dahil iniisip ko yung mararamdaman nya, syempre po mga magulang nya yun eh. Alam kong sasama din po loob nya pag sinabihan ko siya about sa mga magulang nya. Mabait din po ang asawa ko. Wala po akong problema pag dating sakanya. Sa biyenan ko lang ako stressed ng sobra. Ano po bang dapat kong gawin? Thank you in advance po sa mga makakasagot at magbibigay ng advice.❤️#firstbaby #1stimemom #pleasehelp
Mumsy of 1 fun loving son