May anak ang boyfriend ko

Hello po. Gusto ko po sana humingi ng payo. May anak po kasi ang boyfriend ko. Ang problema ko po kasi ay yung bata mas nag sstay sa side ng boyfriend ko. May nanay pa po yung bata. Yung nanay po nya is may bago na pong anak at ka live in. Ang nangyayari po kasi, yung pamilya ng boyfriend ko ang nag aalaga sa bata. Pati sustento, sila. Kahit yung baon na lang nung bata pagpasok ng school hindi po nagbibigay yung babae. Hindi ko rin po tanggap yung bata dahil hindi maganda ang ugali nya. Mapanakit po yung bata. Lalo na pag andun ako sa bahay ng boyfriend ko. Babatuhin ako minsan o kaya pa simpleng aapakan yung paa ko. 5 years old po yung bata. Sinasabi ko naman po sa boyfriend ko yung ginagawa nya sakin. Pagsasabihan naman nya pero maya maya, uulitin na naman. Ano po ang pwede kong gawin ko? Hiwalayan ko na din po ba ang boyfriend ko dahil hindi ko tanggap ang anak nya sa ibang babae? Wala pa po kaming anak. Pero we're planning to get married soon. Sana po matulungan nyo ako. Thank you po.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung mahal mo boyfriend mo, tanggapin mo yung bata. Wala na tayong magagawa kasi nandyan na yan. Hindi rin pwede na ayaw mo maconnect sa bata dahil sa nanay nun kasi in a way, pamilya na kayo niyan dahil girlfriend ka ng tatay niya. Hindi rin natin pwedeng kwestyunin kung ang sumasagot sa batang yun ay pamilya ng boyfriend mo dahil in the first place, anak niya yun. Kung pabaya na nga ang ina, alangan naman hindi nila alagaan ang bata, hindi ba? :) Sa ugali naman ng bata, 5 years old pa lang yan. Marahil sablay ang upbringing sa kanya kaya ganyan ang ugali but you have plenty of time na iimprove pa yan. Consistency lang sa pag eexplain na masama yun. Minsan kasi nararamdaman ng bata yung dislike natin towards sa kanila kaya baka ganyan din ang reaction sayo, mukhang nagrerepel kayo. Ikaw ang nakakatanda, ikaw dapat ang mas nakakaintindi. Pagpasensyahan mo na lang at tumulong sa pag improve ng character ng bata. Part yun ng pagdidisiplina sa kanya. I do agree na pangit masabihan na atribida ka pero in a way, magiging stepmother ka niya kaya bakit hindi mo itry i-correct ang ugali habang bata pa dahil mas magiging malaking problema yan pag tumanda na at ganyan pa rin. Kung hindi mo naman na kaya at sa tingin mo hindi na worth it, you always have the option to leave. Hindi pa naman kayo kasal. :)

Magbasa pa
6y ago

hiwalayan mo nalang po .