Biyanan problems

Hello po, Gusto ko lang po sana humingi ng advice sana po may sumagot. So yun nga po, me and partner has been dealing with a minor argument na i know mafifix pa sana but instead of talking to me, nagsumbong sya sa papa nya. Nung sinumbong nya, nakisawsaw si papa nya as if he know the whole thing. He then insulted me telling me na hindi pa naman kami kasal ng anak nya, wag na daw kami magsasama, tapos pasalamat daw kami nakatira kami sakanila ng libre. Which is sobrang nakakainsulto po sa part ko kase po may baby na po kami tapos ganyan po mag advice yung papa nya. That time I was just seeking for my partner’s attention po kase the whole day, nagsusungit po sya tapos hanggang matutulog nalang po kami, hindi pa din maayos pakikitungo nya saken. Is asking for affection too much po ba? The morning after po, umalis po kami ng baby ko kase hindi na po talaga namin kaya yung emotional abuse sa bahay na yon considering na may kinakasama din po kaming lola nya na sobrang pakealamera din po as in lahat ultimo mannerism mo, papakealaman. Ngayon po binabawalan po ng papa nya yung partner ko po magkaroon ng connection samin as in ichecheck nya po everytime yung phone kung nag uusap pa kami. Itatakwil nya daw yung anak nya if ever nakita nyang nakikipag usap pa samin. He even made up stories such as sinaktan ko daw mama nya, hinuthutan ko po yung anak nya which is hindi naman po totoo kase sa gastos po sa baby namin, halos ako po sumasalo kase sobrang liit ng sinasahod nya. Kahit nung magjowa pa po kami I don’t want him to spend something on me kase ayokong magkaroon ng utang na loob.Mind y’all po, we’re already at the legal age po. We’re both 21 at may 8months old baby na po kami.Is it okay for his father to interfere and worse, advice such knowing na may anak po kami? #advicepls

Biyanan problems
29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

psh share ko muna.. nagbubuntis ako nun 4 months. nagaway kami dahil sa paninigarilyo nya. nakisawsaw mama nya parang alam nya din lahat saamin. minura pa ako.. kaya ngayon wala akong ganang makisama sa mama nya. nakakabastos ang tumira dito sa kanila kasi parang angbabaw tingin nila sakin kasi wala akong naibibigay finncial since wala akong work. ito naman magaling kong kalive in partner nagsabi nang pinagaawayan namin nung nagtanung mama nya kaya kinunsinti pa sya at pinagisahan ako.. depress ako nun sabi ko pag naulit pa un d nako magdadalawang isip makipaghiwalay. ngayon nagmamakaawang wag kung gawin un. kaya ansama nang loob ko dito kasi sa ugali nila.. parang lamang sila kasi pinapakain ako pwede nako pagsabihan nang ganun? sa side nang family ko never ako ginanun.. ibang iba talaga ugali nila dito saamin kaya ngayon nagtitiis nalang ako makisama dito hanggang pwede nang bumyahe sa amin.. advise ko sis.. very immature nga naman ung ganung away nyo ipagsasabi pa sa magulang lalo na may anak kayo. kausapin mo asawa mo kung tama ba ginawa nya.. kung alam nyang mali, sana manlang itama nya para sa ikatatahimik ninyong dalawa. like ano ba? bata pa ba sya para magsumbong sa magulang nya.. kung mahal ka talaga ayusin nya sana ung problema. na ipaliwanag sa papa nya na ayus na kayo at iniisip nya ung bata (syempre ikaw din mommy) nasa lalaki un na makipagusap sa papa nya para malinawan papa nya. and we deserve affection and obligasyon un nang lalaki ang iparamdam ang safety at love nya sa magina.

Magbasa pa