Normal .lng naman tlaga n may masasabi sau lalo na kung libre lahat.. kelangan din kc ng effort ni hubby kc may pamilya na kayo.. pasalamat ka nga nasa mama mu kau..pag sa byenan mu,at pag un ngsalita dun ka umalma..kaso mama mo nman yan..kya wag masyado mahurt sis..pasalamat ka nga kc kaya at gusto ka pang suportahan ng mama mo.
Masakit talaga na makarinig ng ganyan pero ung katotohanan Ang mas masakit. Ang kagandahan lng nyan ay magulang mo talaga ang nagsabi at hindi galing sa byenan mo. Pwede mo matulungan si mama mo at hubby mo. Dami naman online selling ngayon try mo din. Ako 18 dn kami nagkaanak, nag aaral at pinag aral kami pero ako nag BF talaga ako habang di pa ako napasok para walang gastos sa gatas, tapos sa health center lang ako nagpapa bakuna unless kung kailangan na sa pedia talaga.. Tiis lang at makikita naman nila ang effort nyo.
Hi mamsh.. Bumukod nalang po kayu para iwas sama ng loob. Hindi mo po talaga maiiwasan yan.. Kasi kahit nanay mo pa yan may masasabi at masasabi sila kasi sila nasa poder ka nila.. Kaya mas mainam po mamsh na maging independent ka.. Di naman po sa nagyayabang pero for 8years kaming magkasama ng lip ko kahit wala kaming anak eh we stood by our own feet, pinanindigan po namin na makakaya naming tumayo sa sarili namin. And sa loob ng 8years na yan hindi ako or kami nagkulang ni hubby sa pagtulong sa parents ko kasi mahirap lang naman po kami pero sa case po namin kami po yung tinatakbuhan at naging financial support nila or sa ibang needs.. Nakakagaan po sa feelings na natutulungan ko sila kahit at some point inaabuso na kmi sa kabutihan namin but we trust God for always providing us hindi man sa lahat ng bagay at least ginabayan nya kami and now na i'm 2months pregnant wala akung narinig sa kanila na bakit nag.anak2 kami at baka di na namin sila matulungan, well para sakin family namin ng lip ko naman ngayun priority ko.. Hindi naman kami nagkulang sa pagtulong sa kanila so panahon naman na kami naman yung magka.anak :) So kaya nyu din po yan mamsh. Maliit nga lang sweldo dito sa probinsya pero kinaya namin nakatulong pa kami sa ibang tao. Tiwala lang po mamsh kaya nyung buhaying dalawa yang baby nyu :) Wag kalimutang magdasal lage. God will provide always 😘
maswerte ka pa sis se andyan pa mama mo, ako wala na mama ko ni ndi nya nakita ung magiging apo nya saken.. para sa akin ok lang naman magsalita ng ganun mama mo ndi naman panunumbat yun kase po tama naman na dapat magpasalamat tayo sa kung ano ang meron tayo,makuntento tayo ndi ka pa rin nya pinapabayaan.. pwede dn naman na magsama na ulit kayo ni hubby kung yun magpapasaya sayo dalaw dalawin mo nlng mama mo at ung babalik ka ke hubby na wala kayong samaan ng loob ng mama mo. wag mo po masamain cnbi nya sis natural lang mangaral ang isang ina.. unawain mo nlng dn po
Opo sis.. ok dn naman bumukod kayo, kaya nyo yan sis.. pray lang din po palagi,wag pakastress..
Kwawa naman talaga kayo eh. Nagkaanak kayo't lahat tas walang ipon kahit konti. Sana naisip mo magtabi ng pera kahit papano nungbuntis ka palang. Minsan di maiiwasan na ganyan magsalita mama mo kasi totoo naman. Kahit anong bait may masasabi pa rin.
Sinubukan po namin magipon magasawa kaso madaming gastusin na dumating. Pinlano namin sa public manganak pero si mama nagsabi mgbayad ng pang ospital ko, pero babayaran nalang daw namin. Ayun ang ginagawa namin nagiipon ng pambayad pati ng mga gastos sa bakuna. Salamat po sis sa reply.
Ganyan lang talaga sila, nanay ka na din, soon maiintindihan mo din ang mama mo. Isipin mo na lang din kung aalis kayo kahit un sa pag aalaga sa baby mo wala kang ibang makakatulong, be practical na lang muna, pag may onting ipon na kayo ni hubby tska kayo magpaalam ng maayos sa mama mo,for sure that time papayag na sya kase alam niyang may panimula na kayo.
Maraming salamat po sis. Totoo po yung sinabi nyo. God bless.
Ang swerte mo sa mama mo at may ganian kang mama. Ako lumaki akong walang mama, pero buhay pa ang mama ko. Pero kahit anung hirap ko ndi ako humihinge ng tulong sa mama ko... Unawain muna lang ang mama mo ganian talaga ang mga nanay, ndi maiiwasan na magbunganga.... Pero nasa sayo pa din naman kung mag istay ka jan sa side ng mama mo o umuwe kana lang sa asawa mo... Tiis tiis lang makakaraos din kau ganian talaga ang buhay laban lang ng laban sis... Wag mong istressen ang sarile mo isipin mo bagong panganak ka mamaya nian madepress kapa... Wala yang pinag dadadaanan mo sa pinag daanan ko noon sis, always mag pray kalang kay god na sana ndi kau pabayaan...
Salamat sis. Buti nakayanan mo lahat at saludo ako sayo. Opo uuwi na kami kay hubby para po wala na po masyadong maging issue. Minsan kasi pati pagiyak ng anak ko sa gabi ng ilang segundo eh issue pa sa kanila. Minsan di ko na po alam kung ano ba talaga dapat ko gawin at wala po ako makausap kaya dito po ako naglalabas ng saloobin ko. Masaya po ako sa mga tulad nyo na nagrereply at nagpapayo ng maayos. Salamat sis at God bless.
Jamnhiel B. Cabonegro