my boyfriend's parents

Hello po! Gusto ko lang po i share to. Una po kaming umamin na buntis ako sa parents ng magulang ng boyfriend ko. Pinalayas sya sakanila. Kahapon po nalaman na ng magulang ko na buntis ako. Sobrang kalmado kami kinausap ni papa unlike sa parents ng boyfriend ko. Ang gusto ni papa na mag uusap usap sila ng magulang ng bf ko saka sila papa bukas. Ang sabi ng mama ng bf ko problema daq to ng bf ko kaya sya daw mag solusyon. Sabi naman ng papa niya na di sya kakausap sa magulang ko. Nakaka chat nya po ung kapatid nya, bale kapatid nya nag sabi nyan sakanya nabasa ko sa chat nila. Ang sabi pa ng kapatid nya narinig nya sa usapan ng mama at papa nila ako daw sinisisi kung Bakit nasira buhay ng anak nila. Susuportahan daw sa pag aaral bf ko pero saken daw hindi daw susuportahan. Ano pong gagawin nyo kung kayo yung nasa sitwasyon ko? Ako kasi naiyak ako kanina. At yung bf ko di nya susundin ung mga magulang nya.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Stay ka sa family mo, yung bf mo dapat mag trabaho siya. Mahirap umasa sa pamilya lalu na sa oras ng panganganak mo. Yung check up meron sa health center, libre lang pati vitamins. Konti lang ggastusin niyo. Hinde mo kailangan maStress, matatanggap din nila yan. Wag ka magpapadala sa masasakit na sasabihin kase ang importante yung baby mo, at hinde panghuhusga nila

Magbasa pa