Parang nakakasawa ng mag expect😭😭😭
Hi po. Gusto ko lang maglabas ng sakit na loob. Magmula nong makunan ako last year May 2022 di na ako ulit na buntis😭 lagi na lang ako nagpapa check up kasam si Mister, kung ano-ano na ininom kong pampa fertile (Clomidine at Letrazole) nagti-take din ako ng Folic Acid, Myra E, at Ascorbic acid. Si mister naman Rogin E. Kaso wala pa rin.. regular naman menstruation ko at gumagamit din pala ako ng ovulation kit para ma sure kung kailan ako fertile. Di rin kami tumitugil sa kaka pray na magbunga na pagmamahalan namin ni mister. Mga mie, baka meron po dito na tulad namin before tapos ngayon na buntis din. Pa share naman po kung ano ang ginawa nyo or ininom nyo para mabuntis? Ps.Pareho po kaming walang bisyo ni mister. 1st baby po sana namin yung nawala samin nong May. Advance Thank you po sa mga makakapag bigay tips samin para mabuntis🙏🫶
Same experience my, hindi namin alam may cervical incompetence ako so kusa nagopen cervix ko kapag mabigat na si baby. Nagpreterm ako, at di nagsurvive si baby dahil 5 months palang siya. Ngayon buntis ulit ako 35 weeks na tomorrow pero 1 year in the making si baby ko. After 2 months nung nakunan ako nagtry na kami pero di nabubuo at dahil stress ako sa bahay namin nangupahan kami. Nagpaalaga ulit sa ob. Nakavitamins din kami Folic + Vit. C w/ Zinc kapag morning Vitamin E, Fish Oil at Calcium w/ D3 kapag gabi Parehas namin iniinom yan pero wala syang Calcium w/ D3 at Afternoon umiinom pa ng Paragis Mister ko. Nagdiet din ako, kahit sa first baby ko naglow carb ako at sa second calorie deficit at walking may PCOS kasi ako. Nov-Dec after ko makunan pahinga, Jan- July trying na kami pero negative, Aug-Sept nakaclomid na kami pero wala pa din. October stress na ako sabi ko sa asawa ko enjoy muna namin, stress na talaga ako, tuloy pa din paginom vitamins, pero di muna ako magclomid, enjoy muna namin kami lang, pati making love sa next year na lang ulit sabi ko. Nagpray kami sa buong experience namin and I know marami ding nagpray for us. Pinagpray pa kami ng mga kachurch namin. Tuloy pa din pagbabawas ng timbang at walking. Tapos one time nakita ko may discharge ako na parang egg white, inaya ko si Mister magmake love non, masipag mister ko alternate minsan kapag nakamood siya everyday pero mas relax na kami. We are praying and hoping but not expecting and stressing. Nov 9, 7 days bago mag 1 year ang Angel baby ko, dumating mga naorder kong PT sa Shoppee gabi na yun mga 7pm dapat dadatnan ako that day pero wala naisip kong magPT tas ayun may faint line na, pero hindi malabo na faint line alam at kita mo na dalawa na ang linya. Every day non nagPT ako may linya pa din hanggang makuha ko yung big fat positive ko. May cervical cerclage ako now, nakabedrest at nakaHeragest at Duvadilan. Pero lahat ng pain at sacrifice ay worth it. ALL GLORY TO GOD kasi di niya kami iniwan at pinabayaan.
Magbasa paTry to focus nalang muna siguro sa kung anong meron kayo ngayon. Ibibigay naman ni God sa inyo yun kapag alam nyang nasa tamang oras at panahon na. Baka kaya di din agad kayo makabuo kase parehas na kayong stress ni mister mo para magkababy. In God's time, lahat magiging maayos at perfect ang lahat. Learn to wait. Patience mii. Ika nga nila, "Expect the unexpected" Share ko lang din pregnancy journey ko. Last year, akala ko talaga buntis na ako. Yung mga symptoms, nararanasan ko. Delayed na ako kahit regular mens ko. hanggang sa isang araw bigla nalang akong nagkameron. almost 1 year din naming tinry ng partner ko. Last November, naisipan ko lang magpacheck up sa OB, sabi may cyst daw ako sa left ovary ko pero di pedeng operahan kase maliit lang naman daw at nawawala naman daw yun ng kusa. Hindi ko alam ang gagawin that time. pero di ko pinaka isip. nagsearch ako online kung ano ba talaga ibig sabihin nun. Pinagtetake ako ng pills para daw makatulong matunaw yung cyst pero di ako uminom ng pills. Ang ininom ko ay myra e at folic acid almost 1 month akong uminom then tinigil ko sya at all. Hanggang sa this year, dumalang yung pagmmake love namin at nagfocus kami sa present, February di ako nagkamenstration and ayun March 2023 delayed ulit ako pero di ako nag expect kase nangyare na yun sakin before . May kutob na ako that time pero di pa ako nagppt. binabantayan ko lang yung mga symptoms. sabi ko pa nun, parang di naman, parang wala naman. Hanggang sa bigla akong pumunta sa church samin, nagpray sa kanya ng taimtim. Then after nun nag pt ako. 2 lines agad na malinaw. di ako makapaniwala kaya after ilang hrs. inulit ko pt ko, same result pa din. Nagtry ako sa gabi mag pt kung mag iiba ba ang result, ganun pa din. hanggang sa nakaapat akong pt. 🥺 Thank God. Magkakababy na din kami. 🥺💙 Iba talaga pag si God na yung kumilos. Have faith lang. 💙
Magbasa paSame sis. Regular menstration ako. No other infertility condition. It's just hindi lang ako mkapagpahinog ng egg cell. Feb 2021 nung mag start kami ng fertility cycle. After 3months ng cycle nabuntis ako. Pero nakunan rin. Hindi nagprogress ang developement ni baby maybe because pinilit lang namin siyang mabuo. Ganyan din ako on track ang fertile window. May ovulation kit din. Pero naumay na ako. Ang ginawa n lang namin is we let God decide kung magkakababy ba kami o hindi. Hindi na namin inistress ang mga sarili namin na dapat ganitong time or date mag sex kami kasi fertile. No! If we feel to make love then we do it. Anytime not anywhere syempre. We just enjoy sexy time. We try new positions and talk about naughty things. We make sure na makapg travel. Kasi iniisip namin baka pag dumating na si baby hindi na namin magawa yun. Lo and behold dumating na nga siya. December 2022 ko nalaman na buntis pla ako at ngayon 31weeks pregnant na ngayon (June2023). And we're right. Hindi na nga kami makapag sexy time at travel kasi iniingatan namin si baby. Hehe but finally dumating na rin siya. And we're very grateful to the Lord. Kaya sis, enjoy your married life muna. MORE MORE SEXY TIME. Iwas muna sa mga taong alam mong tatanungin ka lang kung kailan kayo magkakababy. Kasi dzai, wala naman silang iaambag sa magiging gastusin ni baby. Legit yan, kasi magastos talaga magkababy. Pero worth it naman. And pray. Ang napagtanto ko lang is kaya siguro hindi pa kami noon mabigyan ng baby kasi ang dami pa naming kailangang unahin na bayarin. And it's true, and I thank God na pinatapos muna niya yun bago dumating si baby. 😊 so don't lose hope. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻 Sending baby dust. 💕💕💕
Magbasa paDati sobrang bitter ko sa mga nababasa ko na wag stressin ang sarili kapag ttc. Kasi paano ako di mai stress e every month negative PT yung lumalabas, depressing diba. To think na nagstop pa akong magwork para makapagpahinga and makapagfocus sa pagprepare ng katawan ko since ttc nga kami. And then may mga insensitive people pa na magtatanong kung bakit wala pa kayong anak etc etc. Everytime na may naga announce na buntis sila sobrang bitter ko, hindi ko sila kayang icongratulate nang sincere. Until napagod ako, bumalik ako sa work ko. Sobrang nabusy, ang bilis nung career growth ko From time to time nalulungkot pa din pag negative yung PT, pero hindi na tulad dati. I still keep on tracking my period kasi of course, deep within me andun pa din kagustuhan ko mabuntis. And then, nakalagay sa tracker, 71 days na yung cycle ko. Super delayed na, usually up to 50 days cycle ko. So habang nagche check out ako nang mga beauty products, sinabay ko na din ang PT. And then ayun, sobrang unexpected na nagpositive. Iyakan kami ni partner hehe Bottomline, tama yung advice nila. Wag stressin ang sarili. Mahirap ito gawin kasi andun yung strong desire to get pregnant. Pero my advice is libangin mo sarili mo sa work, develop new hobbies. Tapos kusa na lang siya darating in the most unexpected time. And then diyan mo mare realize kung bakit ngayon siya dumating. Btw, I think aside from less stress na ako, nakatulong din na lagi akong nagwo workout sa bahay. Tapos si partner nagresign sa work so nakapagpahinga siya, and mukhang nabuo yung baby during those times na hindi siya nagwowork. Cook kasi si partner, baka yung init sa work niya ang nagpababa nung quality ng sperm cell niya.
Magbasa paDati sobrang bitter ko sa mga nababasa ko na wag stressin ang sarili kapag ttc. Kasi paano ako di mai stress e every month negative PT yung lumalabas, depressing diba. To think na nagstop pa akong magwork para makapagpahinga and makapagfocus sa pagprepare ng katawan ko since ttc nga kami. And then may mga insensitive people pa na magtatanong kung bakit wala pa kayong anak etc etc. Everytime na may naga announce na buntis sila sobrang bitter ko, hindi ko sila kayang icongratulate nang sincere. Until napagod ako, bumalik ako sa work ko. Sobrang nabusy, ang bilis nung career growth ko From time to time nalulungkot pa din pag negative yung PT, pero hindi na tulad dati. I still keep on tracking my period kasi of course, deep within me andun pa din kagustuhan ko mabuntis. And then, nakalagay sa tracker, 71 days na yung cycle ko. Super delayed na, usually up to 50 days cycle ko. So habang nagche check out ako nang mga beauty products, sinabay ko na din ang PT. And then ayun, sobrang unexpected na nagpositive. Iyakan kami ni partner hehe Bottomline, tama yung advice nila. Wag stressin ang sarili. Mahirap ito gawin kasi andun yung strong desire to get pregnant. Pero my advice is libangin mo sarili mo sa work, develop new hobbies. Tapos kusa na lang siya darating in the most unexpected time. And then diyan mo mare realize kung bakit ngayon siya dumating. Btw, I think aside from less stress na ako, nakatulong din na lagi akong nagwo workout sa bahay. Tapos si partner nagresign sa work so nakapagpahinga siya, and mukhang nabuo yung baby during those times na hindi siya nagwowork. Cook kasi si partner, baka yung init sa work niya ang nagpababa nung quality ng sperm cell niya.
Magbasa paGanyan din ako dati sis, iniiyakan ko pa nga yung mga tv news na tinatapon yung mga baby sa basurahan kasi feeling ko sobrang unfair. Ako gusto ko mabuntis pero hindi mangyari-yari tapos yung iba nabubuntis tapos tinatapon lang nila. Tsaka kamuntikan na nga akong sumayaw sa Ubando dati, Hahahah! Sobrang tagal bago ako nabuntis tapos I am diagnosed with PCOS noong 2019 kaya sobrang gumuho mundo ko. Hirap na nga akong magbuntis tapos nagka PCOS pa ako. Pero alam mo walang posible kay Lord, kasi kahit ganon nabuntis ako. One month mahigit na ang baby ko ngayon, first baby ko siya, normal delivery ako sa kanya and I am 34yrs old na. Pasalamat talaga ako kay Lord at nabuntis pa ako. Anong ginawa ko? Healthy living lang, I'm working kaya araw-araw akong naglalakad. Yun yung ginawa kong exercise kasi 8hrs ako sa office. Tamang diet lang din, I eat veggies and fruits. Kumakain din naman ako sa labas, may cheat day din ako pero sobrang bihira ko yun gawin. I maintain my weight, yung tama sa age at height ko. Tapos yun, last year nalaman ko na buntis ako. One month bago ako nagPT dahil hindi ko naiisip na buntis ako dahil nga may PCOS ako. Akala ko bumalik yung PCOS ko pero hindi, buntis pala ako. 🤭😅 Sobrang overwhelming sa pakiramdam. Don't pressure yourself na mabuntis kasi mabubuntis ka talaga if ipagkaloob ni Lord. Tignan mo ako may PCOS pa ako nito ha, kaya I consider my baby a miracle baby. Mukhang healthy naman kayo ng husband mo kaya wag kang mag-alala. Eenjoy nyo lang, wag kayo magpastress. Ituloy nyo lang yung mga iniinom nyo ng hubby mo, mag exercise din kayo, it works. Goodluck sa inyo sis, pray lang, darating din si baby. 🙂
Magbasa pajust like the top comment, yun din advice ko. LET GO AND LET GOD. actually 2yrs lang kami trying bago binigay pero if ur trying to conceive, forever na yang 2yrs na yan. got married and tried to conceive na agad since 7 yrs together na kami before getting married. kumbaga na enjoy na namin buhay dalaga at binata. May 2021 i finally got pregnant na pero i miscarried and was diagnosed with pcos. na depress talaga ako. after 3mos, we tried again kasi pwede na daw ulit. hanggang sa nagsawa nalang kami mag asawa kasi nakaka disappoint na monthly ka mag aantay kung ma dedelay ka ba. sabi ng asawa ko, wag ko ipressure sarili ko, kung kami lang talagang dalawa, ok lang, may 4 cats naman na daw kaming anak. that talk made me let go na magkaanak and enjoy married life instead. i surrendered to God, kako bahala na kung di kami magkakaanak. Nov2021, i got pregnant again. even though high risk pregnancy, nairaos naman. turning 11mos na rainbow baby boy ko ngayon. to sender, ify, although madaling sbhing let go and let god, to dont stress urself about it, mahirap diba? pero really, i think it helped talaga na hindi stressed when ur trying to conceive. soon, in God's perfect time, ibbgay din nila sa inyo mag asawa yan. BABY DUST!!!! ✨✨✨
Magbasa padont stress it too much. the more you stress it, the more na di nangyayari. Why? pag stress po tayo, tumataas ang cortisol level sa ating katawan. ang cortisol, nahcavause yan ng mababang chance ng fertility. also, in God's time, darating din yan. as per experience, namatayan ako ng baby 4yrs ago, 1st baby namin yun 8months. dahil dun, ginusto kong magkababy ulit kami ni hausband sobr. paalaga pa kami sa OB ko nun. pero wala, hanggang last yr lang napagod na ko magexpect, magPT paulit ulit na negative. pinabayaan ko lang. nagvacation kami ni husband, nagpaSpa, basta nagenjoy na lang kaming 2..nagdasal na lang ako, si Lord na rin bahala kung oras na bigyan kami ng baby, bibigyan nya kami ng walang kahirap hirap. True enough, June 2022, nabuntis ako, di ko expected yun kasi di na ko umaasa talaga yung tulad dato na kada Do namin ni husband pag konting delay lang, pt agad kasi naiisip ko nagDo kami sa fertile week ko. and now, naipanganak ko na ang rainbow baby namin. 3months old na sya ngayin at sobrang taba at masayahin pa. take note ang plano ni Lord, same edd ng 1st baby namin yung binigay sa amin. :) Enjoy nyo na lang na kayong 2, no pressure, no stress. in God's time, He will give it to you. Godbless.
Magbasa paHello po, Kami din po ni hubby, nag-try ng kung anu-ano dati para mabuntis. Lahat po ng sinabi nyo, nagawa namin. Hanggang sa sumuko na po ako. Dumating po ako sa point na magtanong kay God kung bakit hindi pa kami magka baby, nagseserve kami sa church, walang palya.. pero bakit ganun Until one time po binago ni Lord ang pag-iisip ko. "Letting go is also a form of holding on". Hindi po pala makakapag-operate si Lord kung hanggang ngayon ay tayo pa rin ang gumagawa at nag-iisip ng paraan. Kaya po, itinigil ko po lahat ng iniinom kong gamot, pati ovulation testings, calendar method... at nag declare lang po ako faith. Faith po na "hindi na ako Lord, Ikaw naman." Ayun po, after 4 years binigay po ni Lord, ng umaasa at nagtitiwala lang kami sa kanya. Kaya po wag kayo mawalan ng pag-asa. Ibibigay po yan ni Lord😊. Ito po pala yung pinanghawakan ko noon."If God can do it for them, He can do it for me too". At kung nagawa po ni Lord para samin, sa inyo rin po kayang kaya Nyang gawin.😊 Tiwala lang po. Lagi pong kasama sa prayers ko yung mga nasa app na ito na gusto pong maging mommy. ❤️ God bless you po. Btw. 5months na po kami ni baby. ❤️
Magbasa paSame po, kung nagawa niya kay Sarah na menopause na, kay Hannah, Elizabeth at Rachel alam kong gagawin niya din para sa akin.
Let go and Let God. 10yrs na mahigit kame nag antay sa 1st baby namin nung 2021. ganyan din ako nun kung ano2 na pinagiinom. gusto na din magpa IVF pero wala pa enough ipon pero plan na pagipunan. tumatanda na din ako. hanggang sa dumating kame sa point na baka hindi na nga talaga. baka kame na lang talaga ng asawa ko ang tatanda. Pero nasurprise kame kase nabuntis ako in a natural way. wala kagamot gamot at wala vitamins. kase di na namin pnressure ang sarili namin. Kung kelan least expected dun binibigay. Iba mag surprise si God. Sadly, i lost our 5month old baby. I asked my OB magkakaanak pa ba ako? sabi nya kapag nabuntis ka na before malaki ang chance na mabuntis ulit basta hindi pa nagmemenopause which near the average age na din. Nagpray lang kame mag asawa kay God. February 2023 we found out we are pregnant again at the age of 38. 5 mos na kame ulit now. hopefully maging ok kame ni baby till sa term nya. Dont stress too much. have fun and enjoy each day with hubby. Soon in Gods perfect time ibibigay nya din. Pray lang. 🙏
Magbasa paMy nung una po kayo nakunan late miscarriage na po ano daw po dahilan?? Try nyo po pacheck if nagoopen po cervix nyo if ang dahilan bakit nawala baby nyo is preterm labor.