Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Neonatal Pneumonia
Please mga mommy, wag po natin hayaan may dumalaw sa baby ng may dalang sakit. as much as possible, wag i-allow ang dalaw kahit relatives pa yan. My baby Nissi is in Pediatric ICU right now battling Pneumonia, she's only 17 days old today. Bukod sa hirap si baby, malaki din po ang gastos. 30-40k per day po. Hayaan nyo na po magalit sila, masabihan ka ng maarte, wag lang po danasin ng mga babies nyo ang dinaranas ni Baby Nissi ngayon. Please help us in prayer for her fast recovery. Thank you
Low platelet count. Sino po may same case na mababa ang platelet count?
37w4days: Sino po may same case na mababa ang platelet count? Naging complicated po ba ang panganganak nyo? Share naman po kayo ng exp. Thank you. (Will consult with the hematologist this week, I just need some insights mga mi, wag na po kayong magcomment ng magpacheck kay OB, kakagaling ko lang po dun😊) Need lang po ng insight ng kapwa moms na same case numg nanganak. T.Y.
Last Lab Test bago manganak
When was your last lab test taken? (Urinalysis, ultrasound,cbc, etc) Currently 36w1d. May lab tests pa po kaya na gagawin bago manganak? Last lab tests ko po ay nung 34 weeks. TIA.
33 weeks and 1 day: Small Abdominal Circumference si baby.
Mga mi, sino po same case maliit ang AC ni baby ng 2weeks? Normal naman yung ibang biometry nya. Ask lang po kung okay lang po kaya si baby? Next week pa balik ko sa OB. Thank you.
Urine Culture and Sensitivity Test Price - Baliuag, Bulacan Area
Mga mi, sino po dito ang may alam kung saan pwede magpa Urine C/S. And How much po inabot? 3k plus po ba talaga (Rugay Hosp price) Baka may alam kayo mas mura, Baliuag, Bulacan Area po. Thank you..❤️
(@31weeks going 32)malikot po ba baby nyo? As in ikot ng ikot sa tummy🙂
Sino po same experience? Bukod doon sobrang lalakas ng sipa lalo pag sa buto tumama. Thanks mga mi.
Left side lying position pag matutulog.
Mga mi, dapat ba ipagpatuloy ang leftside lying, sumasakit kasi yung puson ko pag nagtagal sa ganoong position. (Medyo naninigas ang puson, na parang nagcocompress). Nagigising nalang po ako sa madaling araw dahil masakit. And feeling ko hindi comfortable si baby unlike pag nakaharap sa right side. Sa right side kasi walang pressure sa gawing puson, paninigas etc. 21 weeks na po. Ps with love, Hindi po dahil sa nangangawit ako pag left side, kaya ako nagtatanong. Kaya ko pong tiisin ang pangangawit ng balakang, leg cramps etc. ☺️ Worried lang po dahil bandang puson ang sumasakit o nagkaka pressure. Thank you po sa sagot. ☺️