Parang nakakasawa ng mag expect😭😭😭
Hi po. Gusto ko lang maglabas ng sakit na loob. Magmula nong makunan ako last year May 2022 di na ako ulit na buntis😭 lagi na lang ako nagpapa check up kasam si Mister, kung ano-ano na ininom kong pampa fertile (Clomidine at Letrazole) nagti-take din ako ng Folic Acid, Myra E, at Ascorbic acid. Si mister naman Rogin E. Kaso wala pa rin.. regular naman menstruation ko at gumagamit din pala ako ng ovulation kit para ma sure kung kailan ako fertile. Di rin kami tumitugil sa kaka pray na magbunga na pagmamahalan namin ni mister. Mga mie, baka meron po dito na tulad namin before tapos ngayon na buntis din. Pa share naman po kung ano ang ginawa nyo or ininom nyo para mabuntis? Ps.Pareho po kaming walang bisyo ni mister. 1st baby po sana namin yung nawala samin nong May. Advance Thank you po sa mga makakapag bigay tips samin para mabuntis🙏🫶

Ganyan din ako dati sis, iniiyakan ko pa nga yung mga tv news na tinatapon yung mga baby sa basurahan kasi feeling ko sobrang unfair. Ako gusto ko mabuntis pero hindi mangyari-yari tapos yung iba nabubuntis tapos tinatapon lang nila. Tsaka kamuntikan na nga akong sumayaw sa Ubando dati, Hahahah! Sobrang tagal bago ako nabuntis tapos I am diagnosed with PCOS noong 2019 kaya sobrang gumuho mundo ko. Hirap na nga akong magbuntis tapos nagka PCOS pa ako. Pero alam mo walang posible kay Lord, kasi kahit ganon nabuntis ako. One month mahigit na ang baby ko ngayon, first baby ko siya, normal delivery ako sa kanya and I am 34yrs old na. Pasalamat talaga ako kay Lord at nabuntis pa ako. Anong ginawa ko? Healthy living lang, I'm working kaya araw-araw akong naglalakad. Yun yung ginawa kong exercise kasi 8hrs ako sa office. Tamang diet lang din, I eat veggies and fruits. Kumakain din naman ako sa labas, may cheat day din ako pero sobrang bihira ko yun gawin. I maintain my weight, yung tama sa age at height ko. Tapos yun, last year nalaman ko na buntis ako. One month bago ako nagPT dahil hindi ko naiisip na buntis ako dahil nga may PCOS ako. Akala ko bumalik yung PCOS ko pero hindi, buntis pala ako. 🤭😅 Sobrang overwhelming sa pakiramdam. Don't pressure yourself na mabuntis kasi mabubuntis ka talaga if ipagkaloob ni Lord. Tignan mo ako may PCOS pa ako nito ha, kaya I consider my baby a miracle baby. Mukhang healthy naman kayo ng husband mo kaya wag kang mag-alala. Eenjoy nyo lang, wag kayo magpastress. Ituloy nyo lang yung mga iniinom nyo ng hubby mo, mag exercise din kayo, it works. Goodluck sa inyo sis, pray lang, darating din si baby. 🙂
Magbasa pa

