Parang nakakasawa ng mag expect😭😭😭

Hi po. Gusto ko lang maglabas ng sakit na loob. Magmula nong makunan ako last year May 2022 di na ako ulit na buntis😭 lagi na lang ako nagpapa check up kasam si Mister, kung ano-ano na ininom kong pampa fertile (Clomidine at Letrazole) nagti-take din ako ng Folic Acid, Myra E, at Ascorbic acid. Si mister naman Rogin E. Kaso wala pa rin.. regular naman menstruation ko at gumagamit din pala ako ng ovulation kit para ma sure kung kailan ako fertile. Di rin kami tumitugil sa kaka pray na magbunga na pagmamahalan namin ni mister. Mga mie, baka meron po dito na tulad namin before tapos ngayon na buntis din. Pa share naman po kung ano ang ginawa nyo or ininom nyo para mabuntis? Ps.Pareho po kaming walang bisyo ni mister. 1st baby po sana namin yung nawala samin nong May. Advance Thank you po sa mga makakapag bigay tips samin para mabuntis🙏🫶

65 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Try to focus nalang muna siguro sa kung anong meron kayo ngayon. Ibibigay naman ni God sa inyo yun kapag alam nyang nasa tamang oras at panahon na. Baka kaya di din agad kayo makabuo kase parehas na kayong stress ni mister mo para magkababy. In God's time, lahat magiging maayos at perfect ang lahat. Learn to wait. Patience mii. Ika nga nila, "Expect the unexpected" Share ko lang din pregnancy journey ko. Last year, akala ko talaga buntis na ako. Yung mga symptoms, nararanasan ko. Delayed na ako kahit regular mens ko. hanggang sa isang araw bigla nalang akong nagkameron. almost 1 year din naming tinry ng partner ko. Last November, naisipan ko lang magpacheck up sa OB, sabi may cyst daw ako sa left ovary ko pero di pedeng operahan kase maliit lang naman daw at nawawala naman daw yun ng kusa. Hindi ko alam ang gagawin that time. pero di ko pinaka isip. nagsearch ako online kung ano ba talaga ibig sabihin nun. Pinagtetake ako ng pills para daw makatulong matunaw yung cyst pero di ako uminom ng pills. Ang ininom ko ay myra e at folic acid almost 1 month akong uminom then tinigil ko sya at all. Hanggang sa this year, dumalang yung pagmmake love namin at nagfocus kami sa present, February di ako nagkamenstration and ayun March 2023 delayed ulit ako pero di ako nag expect kase nangyare na yun sakin before . May kutob na ako that time pero di pa ako nagppt. binabantayan ko lang yung mga symptoms. sabi ko pa nun, parang di naman, parang wala naman. Hanggang sa bigla akong pumunta sa church samin, nagpray sa kanya ng taimtim. Then after nun nag pt ako. 2 lines agad na malinaw. di ako makapaniwala kaya after ilang hrs. inulit ko pt ko, same result pa din. Nagtry ako sa gabi mag pt kung mag iiba ba ang result, ganun pa din. hanggang sa nakaapat akong pt. 🥺 Thank God. Magkakababy na din kami. 🥺💙 Iba talaga pag si God na yung kumilos. Have faith lang. 💙

Magbasa pa
Related Articles