Dapat ba ko matakot? 21w3d pregnant
Hello po, Gusto ko lang ma clear yung isip ko dahil hanggang ngayon nag woworried ako sa baby ko. November 21, Na operahan ako laparoscopy binutasan yung tyan ko apat na maliliit na hiwa tinanggal yung mga stones sa gallbladder ko pati na rin yung mismong gallbladder ko tinanggal. Okay naman yung operation ko kinabukasan lang pinauwi agad ako tapos 1 week ako pinag anti biotic 3x a day. That time di ko pa alam na buntis ako sguro 3 weeks? Di ko talaga alam kasi niregla pa ko nung November 3. Nalaman ko lang na buntis ako December 11 na kasi may iba nako pakiramdam “morning sickness” sguro kaya nag PT nako tapos nag positive agad. Sobrang kabado ako tinanong ko muna yung surgeon kung anong gagawin ko kung masama ba yung buntis ako tapos naoperahan ako sabe nya “ Maliit lang daw ang risk kaya punta nako sa OB para ma ultrasound” kaya kinabukasan pumunta agad ako. Sabe ng OB ko di naman daw makakaapekto yung mga ininom ko na antibiotic kasi di pa daw buo yung baby pero sa ultrasound wala pa laman bahay plng (5w3d) kaya binigyan lang ako pampakapit at folic. Sunod na balik ko may active bleeding ako kahit naka bedrest lang ako (7w4d) pinabalik ako ulit naging okay naman normal naman daw yung baby pero anytime na maiisip ko na nakainom ako ng antibiotic natatakot ako baka may side effect sa baby ko. Ngayon 21 weeks nako sobrang active ng baby ko galaw ng galaw sabe din nung last ultrasound ko super healthy daw si baby. Dapat ba ko matakot o hindi?