βœ•

FLY HIGH MY LITTLE ANGEL

Hello po, gusto ko lang ishare yung karanasan ko sa first baby ko, Actually april 17 pa siya nangyare pero ngayon lang ako nagka lakas ng loob mag kwento? April 15 po ang due date ko, nag lalabor na ata ako nung april 15 kase sobrang sumasakit na tiyan ko, nag punta kami sa Lying in para magpa IE kasi 39weeks and 6days close cervix pa din ako, in IE ako ng midwife close cervix padin kya pinauwi na ako, due date ko na pero close cervix pdin ako, pero sobrang sakit na ng tiyan ko, sumasakit na talaga ng sobra. Nagpunta kami sa ngayon sa Ospital para sana kung sakali imergency cs na ako, pagdating namin don inIE ako ng Doctor siya e, naging 2cm na ako kelangan ko daw magpa ultrasound para makita Findings kung keln talaga daw yung duedate ko. April 16 ng umaga sobrang sumasakit na tiyan ko nagpunta kami sa malpit na ospital n may ultrasound, pero inischedule pa ng april 17 kasi wala yung mag uultrasound sabi nung lalaki na nakausap namin na diko alam kung doctor o hindi, edi pinalipas namin ng isang araw, tinitiis ko nlng yung sobrang sakit ng tiyan ko. Dina ako nakatulog kasi sumasakit n talaga. Kinaumagahan 7am nagtext na yung ospital n mag uultrasound saken, agad kami nag punta don. Ng intay pa kami mga ilang mins dumating na yung dra. Pinapsok na ako sa room, pinhiga at inultrasound, tinanong ako kung kelan last Period ko, e God knows hindi ko talaga alam. Sabi ng dra. Bakit dina lang daw ako mgpa admit kase naglalabor n daw ako nagpa ultrasound pa daw ako, sobrang sakit na kasi talag ng tiyan ko. Fast forward Hinintay namin yung result, habang hinihintay namin namimilipit na ako sa sakit ng tiyan ko. Nung dumating na yung result at binigay samin prang mali ang Findings, kasi ang nakalagy sa result 35weeks palang ako. Dumiretsyo kami agad ngayon sa ospital na nanghihingi ng Ultrasound. Pag dating namin don, pinagbihis ako at in IE ako agad. 5cm na ako. Inadmit na ako ngayon, sinakay ako sa wheelchair t pinunta ako sa kwarto, bsta kwarto siya, tinitignan heartbeat ng baby ko, habang nag lalabor ako, grabe sobrang sakit talaga, First time mom ako at first baby ko, ganon pala kahirap kasi magisa ko lang dun sa kwarto, may mga doctor ata na ewan pero walang ibang topic kung di pagkain (fast forward) Nung sobrang sakit na talaga ng tiyan ko in IE ako ng dra. 9cm na ako kelangan daw 10cm pra paanakin ako. Pumutok na ata panubigan ko non kase may tumatagas na tubig e, para akong mtatae habang nakatayo ako kse pinaglakad lakad pa ako e, grabe sobrang sakit mag labor. Tinawag ako ng dra. Pinahiga na ako. (Ito na, yung diko mkalimutan na experience hnggang ngayon?) Pinahiga na ako ng dra. Nag gloves na siya, tapos ireng ire na ako. Pina ire nya na ako, binibigay ko lahat ng makakaya ko dahil ang nasa isip ko lang is "Kaya ko to, mamaya kasama ko na baby ko" Kada hilab Pinupush ko, diko alam kung expert ba magpa anak yung dra. Pero dalawang daliri lng ginagamit nya yung hintuturo at middle finger lang. Nagsipasok yung lima ata or apat na dra. Or ewan, bsta diko alam kung ano sila don basta lahat bbae, Habang umiire ako, umangat yung higaan kasi pinataas nila ako. Nagagalit na yung dra. Saken pinatayo ako pinaayos saken yung higaan na umangat, kinakabahan na ako, nung okay na Pinapaire padin ako, nka ilang ire na ako pero ayaw padin lumabas ng bby ko? Naka n95 mask ako kasi bawal daw alisin msk. Habang umiire ako tinatawanan ako ng ibang dra. Tintanong kung Nakakhinga pa daw ba ako sa n95 msk ko habang tumatawa sila, ako hirap na hirap na umire pero ayaw pdin lumabas ng baby ko, yung isa habang umiire ako tinatanong family plan ko? yung iba sinasabi buti daw ako may n95mask sila wala, nag hoard daw kami sabi pa nila habang ako hirap na hirap umire? Habang umiire ako, yung dra. Umaalis, diko alam kung san nag punta, inikot ko pa nga paningin ko sa kwarto pero wala siya, yung isa namng dra ba yun or ewan naglalaro ng Plants vs. zombie? ako hirap na hirap na? Fast forward Binibilangan ako ng nagppa anak saken 123 inhale exhale Push, kda push pinupush ko na talaga lahat ng makakaya ko, kada hilab Pinupush ko na lahat ng lakas ko, pero ayaw talaga lumabas ni baby ko nagdadasal na ako ng ngdadasal na Lord Gabayan mo po kami ng baby ko, bigyan mo po kami ng lakas ng baby ko?, yung mama ko nagmamaka awa na ics na ako kasi naririnig niya ako na sumisigaw ng diko na talga kaya. Kasi totoo diko na talaga kaya, dinadaganan na nga ng dalawang dra. Yung tiyan ko, as in dagan talaga pero ayaw padin lumabas ng baby ko, umiiyak na ako, natatakot. Diko na alam, pero ang gulo na ng isip ko non? Hiniwaan pa nga ako, pero ayaw parin talaga lumabas ng baby ko? baka makakain na daw ng pupu sabi ng dra. Kaya ang ginawa naman, Vinacuum, gumamit sila ng vacuum, Dalawang beses ginawa pero Ayaw padin, Inipit naman nila ngayon, diko alam pero may ginawa sila e para mhila baby ko pero wala, ayaw padin lumabas? Hinahanap nila Heartbeat ng baby ko, matagl nilang hinahanap. Nung humihina na daw heartbeat ng baby ko, Dinala ako sa OR? dun palang ako iccs, bingyan ako pampatulog, na cs na ako. Fast forward Pg gising ko, Hinanap ko agad ang baby ko sa dra., Tinanong niya ako kung okay lang daw ba ako? sagot ko "asan po ang baby ko?" Nasa Nicu daw, "Tinanong ko ulit Kamusta po baby ko?" Ang sabi ng dra. Okay ang baby ko, gumagalaw namn daw? Nilabas na ako para ilipat sa room ng mga nanganak. Hinihila plang ako palabas, sinalubong ako ng asawa ko? hinawakan ang kamay ko, tapos sinabing "critical baby naten"?? gusto ko magwala?? hindi ako makagalaw dahil dalawa dalawa tahi ko, sa tiyan at sa private prt ko?? Pagpasok namin sa room ng mga nanganak naayos na yung Higaan ko, at pag higa ko. Umiiyak ako at pinagdarasal na Lord Ibigay mo saken lht ng sakit, parusahan mo ako sa mga kasalnn ko pero Wag mo pababayaan ang baby namin?? Tinawag yung asawa ko sa nicu. Pagbalik niya umiiyak nanamn?? 50/50 na yung baby namin? lumobo yung ulo sa may bandang utak?? puno ng dugo? niririvive?? Tinubuhan? sobrang daming dugo sa ulo nia, tumatagas na nga daw sa tenga niya yung dugo e sabi ng asawa ko dahil nakita niya? Tinawag ulit yung asawa ko sa nicu, pagbalik Umiiyak?? yung baby namin? yung first baby namin? yung iningatan namin ng 9months, yung araw araw kinakausap ko, yung araw araw kinakantahan ko, habang nasa tiyan ko siya?? yung nagpapasaya samin ng asawa ko?? Pumanaw na? Nsa Heaven na? Angel na?? Sobrang sakit? Hindi ko manlang nahawakn, nakita anak ko????? Hindi ko matanggap, hanggang ngayon masakit padin saken? pinapagaan lang ng asawa ko yung loob ko? Sorry, umiiyak na po akong nagtatype, diko na kya sorry po.?

172 Replies

Condolence mommy! I know masakit sobrang sakit ng nang yari sa inyo ng partner mo na mawalan ng anak lalot 1st baby nyo pa. Ayaw makita ng baby mo na malungkot ka πŸ˜”. For me (though hindi ako medical graduate or student) parang pinabayaan ka ng OB/Doctora mo. Sa akin kasi prefer namin ng partner ko nun na sa lying in manganak kasi mas makaka tipid at mura kami. Then when the day came na nag la labor na ako at talagang hindi ko kaya ilabas si baby (Normal delivery) halos umiyak na ako sa sakit , from induce hanggang sa pag ire ramdam ko ung pain talaga kaya nung umiire na ako at halos mag 2 oras na ako sa delivery room, umiiyak na ako sa sakit and halos mawalan na ako ng malay pero iniiwasan ko un kasi iniisip ko ang baby ko. Then napa siga na lang ako ng "tama na po, ayaw ko na" kasi halos mawawalan na ako ng malay at sa sobrang sakit. Then ung doctora and Midwife, tinawag ung partner ko pinakausap ako bigyan ako ng lakas ng loob kaya pumasok sya sa room then 2 more push pa ginawa ko nun then the doctor told me na emergency cs na ako kasi almost 2 hrs na kami dun pero d ko pa din mailabas si baby and delikado na din sa amin 2 kaya mabilisan impake, habang nag stop sa pag hilab ung tyan ko, pinapalitan na ako ng damit, sinakay sa wheel chair and dinala na sa hospital. Around 1am ng February 13 nang mailabas ko ang baby boy ko, 3.4 kilo. Akala nila nung una is maliit lang si baby ko kaya pinu push nila na inormal delivery ko si baby but the thing is malaki pala sya and ung position ng ulo nya is naka tingala (basta parang ganun) kaya d ko sya mailabas or maire ng ayos. Nag karoon na ako ng pakiramdaman nun habang umiire ako na parang d ko kakayanin inormal delivery si baby, kahit alam ko na mahal ang CS my doctor and my partner decided na ECS ako para na din sa safety namin 2 ng anak ko. And now mag 3 months old na baby boy ko. Nag papa salamat ako sa midwife and OB ko na d nila ako pinabayaan. I hope mommy maka recover kayo sa nararamdaman nyo na pain ngayon, yan ung pain na mas masakit pa sa labor, ung mawalan ka ng baby na dinala mo ng 9 months and d mo man lang nayakap or nakarga man lang. I know binabantyan ka ng little one mo and he /she's now a little angel that guides you. Be strong lang po na soon, mabibigyan din kayo ng another angel sa buhay nyo ng partner mo. God bless you πŸ™πŸ™

I feel you, ang hirap ikwento ng gantong experience. Same tayo ng naranasan ang pinagkaiba lang n10 pareho kami ng baby ko nag 50/50. 11 days sya sa NICU naka intubate dami nakasaksak sa kanya. Nakain nya kasi poopoo nya. Pinilit ko tumayo after wala pang 24 hrs makita lang baby ko sa NICU. Sinabihan p nga ako ng Nurse sa NICU na mommy parang nahihilo kp, inalalayan nya ko. Kinausap ko baby ko lumaban sya and nag sorry ako kasi feeling ko di ko ginalingan. Nagdadasal ako habang hirap na hirap ako tignan kalagayan nya. Thank God napaka fighter nya 2 months n ang baby ko ngayon. Public hospital din ako nanganak. Pinaire din ako for 3 hrs or more pero ang referral sakin ng private OB ko is CS dapat. Nung kabwuanan ko kasi nagkaron ako Gestational Hypertension out of nowhere. ( Lying in dapat kasi ako manganganak with my private OB kung di nagkaron GH) Nag distress kami pareho ng baby ko while pinapaire ako... Swerte ko lang kasi ung anesthesiologist ko na lalaki super maalaga at sya na nagsabi na nahihirapan at di n ko makahinga kaya inemergency CS n ako. Akala nga ng mga OB tinutulugan ko pag ire ko pero ang totoo super nagdadasal n ako. Antagal ko sa operating room pinaire and All. Super worried na LIP ko nun. Napapagalitan na rin ako ng mga OB nun kasi di daw ako naire maayos inepidural kasi nila ako so di ko na nararamdaman ung hilab pra umire ng tama. Naka asa lang ako sa countings nila ng pag ire. Iiyak mo lang lage ung naranasan mo, ganun kasi ako tapos super close ko sa LIP ko kinukwento ko lahat sa kanya kahit paulit ulit na, hanap ka din ng mga bagay na malilibang ka, support system super important and magpray lage. Gagaling ka din in time. Nung ok n pala ako tsaka lang kinwento ng LIP ko sakin na naiyak sya nung pinatawag sya sa NICU and nakita nya kalagayan ko na hirap na hirap.

condolence...mjo similar ngyari satin sa pain..masakit sa bandang tyan pero hindi ung point na labor pains..kaya ngttaka din ako nun pos sabi sa public di pa daw un malau pa..sa public ako dapat manganak e nakaready na lahat dun panganganak ko na lang pero ganun nga ngyari pati center ngpunta ako kasi di na ko makali dahil my tubig din na lumabas sakin pero wala ako nararamdman masakit tlaga..hindi pa daw sabi nila mataas pa daw..pero di talaga ako makali ngtry na ko sa private ultrasound at un nga kunti na lang water ko at hirap na si little one sa loob..sabi ob balik na ko sa hospital ko pahiwa na ako pakita ko daw result..pagtakbo namin pang4 daw ako sa cs na di pa alam anung oras dahil andami nakapila sa o.r. so tinawagan ko ung ob na private na ngultrasound sakin.. xmpre mahal nga lang pero di bale na mahalaga safe kami so pumunta kami dun sa private hospital kung san siya ngpapaanak asikaso nila ako lahat mababait sila at ngkataon na babies tlga ang forte ng hospital na un..pagdating nya at pagcheck sakin di daw tlga bumuka cervix ko talgang cs na ako..so aun na talaga.. thankfully safe kami dalawa ni baby mg10mos na siya now..minsan kahit ano plano natin naiiba talaga sa actual..kundi talaga kaya normal ok na cs mahalaga safe..im so sorry about sa baby mo..ngtataka ako bat di ka nila ics na lang if sobrang nahirapan na kau mgina..sana makakuha ka ng justice..

I think its not your fault maybe sa mga lying in and hospital yung needs to blame. They're not a doctors wala silang kwenta naging doctors pa sila kung di nila alam kung bakit sumasakit na tyan mo nakakabwesit sila. Lalo na kung saan ka nanganak nagsabi ka na pala nunh una palang na ics ka di parin nila ginawa maybe kunga ko yun kakasuhan ko yung ob na yun kasi kasalanan nya kung bakit nawala yung angel mo kasalanan nya kung bakit lumubo yung ulo wrong way yung pagpapaanay nya sayo maling mali. Di sya marunong gumamit na nga ng vacuum di parin nakuha ang tanga naman nya. Ang bobo nya Sobra! Kung nung una palang nakinig na sya sa request mo na cs dapat buhay pa si baby. Ang hirap mabuntis. Ang hirap magdala ng baby. Ang daming ininom na gamot ang lalaking capsules. Ang daming iniwasang pagkain for safety ni baby. Nagtiis ng mga gabing hirap matulog gawa ng ikot ng ikot si baby. Sasakit yung balakang sa ngalay sasakit yung mga binti sa pulikat at manas. Yung nga sakripisyo na yun. Di man lang naisip. Nakakagigil syang nilalang di nya iniisip safety ng clients nya. Sorry momshie pero nanggigigil ako sa ob mo. Pero condolence. Magpagaling ka kasi Mahirap ang may tahi mahirap tumayo, tumagilid. Mag ingat kayo ng asawa mo. Babantayan ka naman ng baby nyo sa taas. Hope makarecover ka sa sakit soon.

Truth! Feel ko din dahil sa vacuum kaya namaga yung ulo ng baby. Kawawa naman. πŸ˜”

condolence sis.... sobrang sakit ng nangyari sayo...sana cs k n agad.... sorry for the term wala silang kwenta.. ganyan din yong ksabay ko manganak ilang oras n naglalabor lahat n ginawa patayo , pahinga hindi parin sobrang hinang hina n daw sya iniisip nalang nya baby nya kasi parang namatayan n din sila before....saka palang nagdecide yong ob na emergency CS n sya malayong ospital p... nakatulog n sya sa ospital.... 50/50 n sila ng baby nya yong baby nya nirivive pag kalabas... praise GOD nagsurvive sila pareho..... yong sakin naman hindi ko tlga kinaya magnormal delivery ,,,, naglabor ako ng almost 5 hrs lang. nagdecide n ko ECS n ako baka kasi mamatay kami pereho ng anak ko.... sobrang nagpapasalamat ako sa Panginoon kasi sakto lang ma CS ako kasi nakadumi n baby ko possible makakain n sya ng dumi delikado p naman yon.... mababa lang sugar nya kaya hindi ko sya agad nakasama pero sabay kaming lumabas ng ospital.... magpakatatag k sis ..... someday biyayaan kayo ulet ng baby mas alam mo n gagawin.... sa ospital k manganak yong may malasakit sa pasyente... parang yong pinagaanakan mo wala ng mga concern sa pasyente nila.... or sa lying in na maalaga tlga

i feel you mommy.. we have lost our son last sept 5. breech siya, kaya hindi ko siya pwede inormal delivery... isang oras plng akong naglelabor, lumabas na dalawang paa niya.. habang dinadala ako sa OR, ang isang doctor na kahawak lng sa pwerta ko para hindi siya tuluyang lumabas. dalawa rin tahi ko..pagkalabas niya ,deretso rin sa nicu. mahinaraw heartbeat niya,may omphalocele siya, at nilagyan din siya ng tubo sa isang tagiliran niya. after 14hrs, nawala na siya samin. ni hindi ko siya nhawakan o nakita.. nacremate siya,nihindi ko alam kung ano itsura niya.. aside sa subrang sakit ng feeling, physically.. walang hihigit sa sakit emotionally. yung feeling na araw araw heartbreak.. nasa process nako ng healing. thankful, dahil nandyan ang asawa ko.. supportive masyado..isa pa, kailangan ko rin magpalakas para sa panganay nmin. nakakagaan din ng loob ang pagdarasal.. kaya natin to..

condolence po momsh. magpakatatag po kayo para sa family niyo. si baby po nasa heaven na siya. lage kayo gagabayan. God bless po.

VIP Member

Di ko alam kung pano ko pagagaanin ang loob mo dahil mahirap naman talaga makalimot kapag anak mo ang nawala dahil ganyan na ganyan ang nararamdaman ko araw araw. Pero alam mo nung mga panahon na parang mabaliw ako kakaisip sa anak ko nagsisindi ako ng kandila titimplihan ko sya ng gatas tapos nagdadasal ako na bumalik sya sakin hihintayin ko sya and this time healthy na para magkakasama na kami at maalagaan ko na sya. And somehow it works dahil pagkatapos ko magdasal lumalakas na naman ang loob ko.Kapit ka lang sis pagbibigyan din tayo ng panginoon. Wag ka mawalan ng pag-asa isipin mo na lang ang anak natin nasa langit mas malakas na tayo sa panginoon dahil may anghel na tayo personal messenger at alam ko tutulungan tayo idulog yung mga dasal natin.

VIP Member

Condolence sis.. No words can describe the pain that you're feeling right now.. Maling mali yung doctors. Bakit pinatagal nila ng ganyan. At first pa lang na ayaw lumabas ni baby mo nasa isip ko dapat CS ka na eh tapos nagvacuum pa sila at mukhang dun lumala ang baby mo.. Almost same thing happened sakin di bumababa ang baby ko buti magaling ang OB ko.. CS agad ako nun kasi priority ng OB ko is life ni baby. Critical din lumabas ang baby ko but thank God at naging ok ang lahat samin.. Everything will be alright sis.. Be strong.. Pray hard.. Trust in God.. He has a purpose in your life and in the life of your husband.. I wish I can hug you right now.. God bless sis..

Fucking doctors and hospital, hndi ba sila pwde idemanda? Negligence yan..they were at fault.. mommy, i perfectly know how you feel, walang katumbas ang sakit and it might take a long long time bago ka mka move forward..namatayan din ako, stillbirth at 5 months nung april 8 lang..april 7 was my birthday, can u imagine? habang buhay na yata akong hindi magcecelbrate ng birthday because it will always remind me of my son πŸ₯ΊπŸ₯Ί . hang in there, walang gamot sa sakit na nraramdaman ntin ngyon, walang salita ang makakapag pagaan ng nraramdaman natin..cry if u must,cry with ur husband kc itinatago nya lng pero im sure hinang hina din xa..katulad din ng asawa ko.

naiyak naman ako mommy pakatatag ka same tayo 1baby ko namatay din 8months ko sya pinanganak dahil din may komplikasyon sya after nun nagka baby ako babae now 7yrsold na sya nag buntis ako last year 8weeks no heartbeat but now nag buntis ulit ako 7weeks 5days naman no heartbeat ulit ngayon umiiyak ako kasi ang hirap mawalan ng anak kht pa dugo pa sya or ano man sobra mahal mona sya kaya alam ko sobra sakit at iyak kaya iniisip ko din sana ako nlng kunin wag na mga anak ko dahil alam ko may pag kakasala din ako kaya ngayon alam ko may plano si god kung bkt nangyayari satin toπŸ˜­πŸ˜­πŸ˜­πŸ˜”πŸ’”πŸ’”

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles