FLY HIGH MY LITTLE ANGEL

Hello po, gusto ko lang ishare yung karanasan ko sa first baby ko, Actually april 17 pa siya nangyare pero ngayon lang ako nagka lakas ng loob mag kwento? April 15 po ang due date ko, nag lalabor na ata ako nung april 15 kase sobrang sumasakit na tiyan ko, nag punta kami sa Lying in para magpa IE kasi 39weeks and 6days close cervix pa din ako, in IE ako ng midwife close cervix padin kya pinauwi na ako, due date ko na pero close cervix pdin ako, pero sobrang sakit na ng tiyan ko, sumasakit na talaga ng sobra. Nagpunta kami sa ngayon sa Ospital para sana kung sakali imergency cs na ako, pagdating namin don inIE ako ng Doctor siya e, naging 2cm na ako kelangan ko daw magpa ultrasound para makita Findings kung keln talaga daw yung duedate ko. April 16 ng umaga sobrang sumasakit na tiyan ko nagpunta kami sa malpit na ospital n may ultrasound, pero inischedule pa ng april 17 kasi wala yung mag uultrasound sabi nung lalaki na nakausap namin na diko alam kung doctor o hindi, edi pinalipas namin ng isang araw, tinitiis ko nlng yung sobrang sakit ng tiyan ko. Dina ako nakatulog kasi sumasakit n talaga. Kinaumagahan 7am nagtext na yung ospital n mag uultrasound saken, agad kami nag punta don. Ng intay pa kami mga ilang mins dumating na yung dra. Pinapsok na ako sa room, pinhiga at inultrasound, tinanong ako kung kelan last Period ko, e God knows hindi ko talaga alam. Sabi ng dra. Bakit dina lang daw ako mgpa admit kase naglalabor n daw ako nagpa ultrasound pa daw ako, sobrang sakit na kasi talag ng tiyan ko. Fast forward Hinintay namin yung result, habang hinihintay namin namimilipit na ako sa sakit ng tiyan ko. Nung dumating na yung result at binigay samin prang mali ang Findings, kasi ang nakalagy sa result 35weeks palang ako. Dumiretsyo kami agad ngayon sa ospital na nanghihingi ng Ultrasound. Pag dating namin don, pinagbihis ako at in IE ako agad. 5cm na ako. Inadmit na ako ngayon, sinakay ako sa wheelchair t pinunta ako sa kwarto, bsta kwarto siya, tinitignan heartbeat ng baby ko, habang nag lalabor ako, grabe sobrang sakit talaga, First time mom ako at first baby ko, ganon pala kahirap kasi magisa ko lang dun sa kwarto, may mga doctor ata na ewan pero walang ibang topic kung di pagkain (fast forward) Nung sobrang sakit na talaga ng tiyan ko in IE ako ng dra. 9cm na ako kelangan daw 10cm pra paanakin ako. Pumutok na ata panubigan ko non kase may tumatagas na tubig e, para akong mtatae habang nakatayo ako kse pinaglakad lakad pa ako e, grabe sobrang sakit mag labor. Tinawag ako ng dra. Pinahiga na ako. (Ito na, yung diko mkalimutan na experience hnggang ngayon?) Pinahiga na ako ng dra. Nag gloves na siya, tapos ireng ire na ako. Pina ire nya na ako, binibigay ko lahat ng makakaya ko dahil ang nasa isip ko lang is "Kaya ko to, mamaya kasama ko na baby ko" Kada hilab Pinupush ko, diko alam kung expert ba magpa anak yung dra. Pero dalawang daliri lng ginagamit nya yung hintuturo at middle finger lang. Nagsipasok yung lima ata or apat na dra. Or ewan, bsta diko alam kung ano sila don basta lahat bbae, Habang umiire ako, umangat yung higaan kasi pinataas nila ako. Nagagalit na yung dra. Saken pinatayo ako pinaayos saken yung higaan na umangat, kinakabahan na ako, nung okay na Pinapaire padin ako, nka ilang ire na ako pero ayaw padin lumabas ng bby ko? Naka n95 mask ako kasi bawal daw alisin msk. Habang umiire ako tinatawanan ako ng ibang dra. Tintanong kung Nakakhinga pa daw ba ako sa n95 msk ko habang tumatawa sila, ako hirap na hirap na umire pero ayaw pdin lumabas ng baby ko, yung isa habang umiire ako tinatanong family plan ko? yung iba sinasabi buti daw ako may n95mask sila wala, nag hoard daw kami sabi pa nila habang ako hirap na hirap umire? Habang umiire ako, yung dra. Umaalis, diko alam kung san nag punta, inikot ko pa nga paningin ko sa kwarto pero wala siya, yung isa namng dra ba yun or ewan naglalaro ng Plants vs. zombie? ako hirap na hirap na? Fast forward Binibilangan ako ng nagppa anak saken 123 inhale exhale Push, kda push pinupush ko na talaga lahat ng makakaya ko, kada hilab Pinupush ko na lahat ng lakas ko, pero ayaw talaga lumabas ni baby ko nagdadasal na ako ng ngdadasal na Lord Gabayan mo po kami ng baby ko, bigyan mo po kami ng lakas ng baby ko?, yung mama ko nagmamaka awa na ics na ako kasi naririnig niya ako na sumisigaw ng diko na talga kaya. Kasi totoo diko na talaga kaya, dinadaganan na nga ng dalawang dra. Yung tiyan ko, as in dagan talaga pero ayaw padin lumabas ng baby ko, umiiyak na ako, natatakot. Diko na alam, pero ang gulo na ng isip ko non? Hiniwaan pa nga ako, pero ayaw parin talaga lumabas ng baby ko? baka makakain na daw ng pupu sabi ng dra. Kaya ang ginawa naman, Vinacuum, gumamit sila ng vacuum, Dalawang beses ginawa pero Ayaw padin, Inipit naman nila ngayon, diko alam pero may ginawa sila e para mhila baby ko pero wala, ayaw padin lumabas? Hinahanap nila Heartbeat ng baby ko, matagl nilang hinahanap. Nung humihina na daw heartbeat ng baby ko, Dinala ako sa OR? dun palang ako iccs, bingyan ako pampatulog, na cs na ako. Fast forward Pg gising ko, Hinanap ko agad ang baby ko sa dra., Tinanong niya ako kung okay lang daw ba ako? sagot ko "asan po ang baby ko?" Nasa Nicu daw, "Tinanong ko ulit Kamusta po baby ko?" Ang sabi ng dra. Okay ang baby ko, gumagalaw namn daw? Nilabas na ako para ilipat sa room ng mga nanganak. Hinihila plang ako palabas, sinalubong ako ng asawa ko? hinawakan ang kamay ko, tapos sinabing "critical baby naten"?? gusto ko magwala?? hindi ako makagalaw dahil dalawa dalawa tahi ko, sa tiyan at sa private prt ko?? Pagpasok namin sa room ng mga nanganak naayos na yung Higaan ko, at pag higa ko. Umiiyak ako at pinagdarasal na Lord Ibigay mo saken lht ng sakit, parusahan mo ako sa mga kasalnn ko pero Wag mo pababayaan ang baby namin?? Tinawag yung asawa ko sa nicu. Pagbalik niya umiiyak nanamn?? 50/50 na yung baby namin? lumobo yung ulo sa may bandang utak?? puno ng dugo? niririvive?? Tinubuhan? sobrang daming dugo sa ulo nia, tumatagas na nga daw sa tenga niya yung dugo e sabi ng asawa ko dahil nakita niya? Tinawag ulit yung asawa ko sa nicu, pagbalik Umiiyak?? yung baby namin? yung first baby namin? yung iningatan namin ng 9months, yung araw araw kinakausap ko, yung araw araw kinakantahan ko, habang nasa tiyan ko siya?? yung nagpapasaya samin ng asawa ko?? Pumanaw na? Nsa Heaven na? Angel na?? Sobrang sakit? Hindi ko manlang nahawakn, nakita anak ko????? Hindi ko matanggap, hanggang ngayon masakit padin saken? pinapagaan lang ng asawa ko yung loob ko? Sorry, umiiyak na po akong nagtatype, diko na kya sorry po.?

172 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Condolence mommy Sana nung hindi na talaga kaya ilabas si baby via normal, cs na sana ang ginawa di na kung ano ano pa ang ginawa. Okay lang sana na ma CS basta safe yung nsngyari sa baby. Nakakaiyak naman. Same here ftm din po ako, march 8 ako nangnak. Ang nangyare naman sakin , labor na ko at ilalabas ko nalang ang baby ko pero unfortunately nalawan ng heartbeat si baby sa tyan dahil na stress. Kaya nung inilabas ko sya wala ng buhay. Makakayanan mo yan sis, pray lang po. May angel ka na po. Baka di pa para sa inyo si baby, pagsubok lang po. Magkakababy pa po ulit kayo.

Magbasa pa

๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ habang binabasa ko post mo mamash sa una parang sarap sapakin yung mga doctor nakakapanggigil, ramdam ko yung mga nararamdaman mo..grabe mga walang puso yung mga doc pinapahirapan ka talaga at c baby...dami nilang procedure pero ang ending cs pa din....diko alam paano ka e comfort sender pero magpipray ako pra malagpasan at makayanan mo yung sakit na nasa dibdib mo ngayon....godbless sender at stay sefe....ingat ka palagi dahil mahirap mabinat lalo na CS ka...alagaan mo mabuti sarili mo para di masyado malungkot c baby dun sa heaven.....

Magbasa pa

Condolence po same tayo Ng pangyayare last year kaso 7 months palang akin nung ipanganak kosya maayos ko Naman sya nailabas ginawa ko lahat para mailabas sya Ng maayos Ang kaso walang kwenta Yung lying inn na pinaganakan ko dinila inasikaso baby ko Kung saan saan isinugod dhil kailangan maincubator at oxygen kaso di naagapan 4hrs Lang itinagal nya dto diko din nahawakan Ang sakit talaga sa pakiramdam nung mangyare Yun .. kala ko dinko makakarecover pero ngaun I'm 3 months preg iingatan Kona Ng subra God has a plan po mgpray kalang

Magbasa pa
6y ago

โค๏ธโค๏ธโค๏ธ

Sampahan mo ng kaso ang mga hinayupak na nag assist sayo as doctors pra hindi pamarisan. Mga walang hiya hindi na naawa sayo lalo't first time mom ka, sa kanila kaya mangyari ang ganun. Nasaan yung mission and vision nila sa hospital na mga magaganda kuno ang mga sinasabi. Nagka ganun na yung baby dahil sa kagagawan nilang experimental may nalaman pa clang vacuum. Hay naku! Kabiwisit yung mga ganyan tao walang puso walang malasakit, dapat sa mga yan sunugin ang mga kaluluwa sa impyerno!

Magbasa pa
VIP Member

I know how it hurts. The pain in your heart, mind and body.. I know you cry everyday and night. I also lost my first baby. To the point iba iba na naiisip ko. Sobrang sakit talaga mawalan ng anak. Ramdam ramdam kita. Pero momsh, alam mo lahat ng nangyayari saten may plan si Lord. Trust Him. Be strong, your little angel is watching u from above. Condolence. Always know that your family and closest people around you, loves you so much.

Magbasa pa

Nakakagalit...nakakaiyak..bakit ganun ang ginawa nila sa angel nyo? Napaka walang puso. Sana naisip nila na ics na ung baby nyo. Pinatagal pa nila. Naniniwala ako,na lahat ng ito,may karma na kapalit. Hinayaan lang nila ang baby nyo. Wala silang kasing sama! Kapit lang sis! Dasal lang! Alam ko,na anjan ang angel nyo na nakagabay sa inyo. At alam kong ibibigay siya ulit sa inyo ni God. Manalig ka lang. Ibabalik siya sa inyo ๐Ÿ™

Magbasa pa

Mommy kapit lng ha. Just keep praying, i was with the same situation, exactly 8 years, mgka bday angel ntn kya naiiyak nrn ako while reading, bumabalik lahat sa isip ko... Mgtiwala ka sa plan ni LORD for you momsh.. Surrender it all sa kanya. Mahirap pero u need to, u ned to support each other ni hubby. Darating ung baby pra sa inyo, mgtiwala ka lng momsh..(GOD has blessed me another 2) Masakit pero kinakailangan ๐Ÿ˜”

Magbasa pa

Gnyan po tlga pag public hospital, taz glit p pag bgla kang ndumi hbng ngllbor, kya pag hnd tlga npghandaan ang pnganganak mlmng tyga tlga s ugali ng mga doctor en nurses s pblic mnsan intern p mag ackso sau, para ngang pagexperiment ka p nla, hay naku can't imagine kung ano dnanas ko s pnganay ko s pblic hopital (yaw ko n lng mgmention ng p.hosp.), kya ngaun s 2nd baby ko nag ipon tlga kmi para s private ako manganak

Magbasa pa

Condolence momsh..halos preho tau ng sitwasyon s panganganak s 1st baby q pro nbuhay xa..pinilit din aq pina-ire ng pina-ire hanggang s namaga n private part q..tpos lalaki n ngtutulak..gang s ayaw tlga bumaba ng bata kya ginawa q umupo aq tpos cnbi ko papatransfer nq ng ospital kung ayaw nla aq i-CS kc di q n kya nun..kya thank god at binigay prn xa ni lord smin..

Magbasa pa

Condolence po momsh. May dahilan ang lahat momsh. Siguro hindi po talaga siya para sa inyo, para kay God po siya. Magpakatatag po kayo momsh para sa iyong family. Lage kang gagabayan ng baby angel niyo po. Stay strong and kapit lang. Hindi man madali pero i know someday gagaling din po ang sugat sa iyong puso. God is good momsh. Always pray po.

Magbasa pa