Penta and Polio Vaccine
Hello po, good morning. Yung baby ko po is going to have 2nd dose sana ng Penta and Polio vaccine today. Eh kaso natakot kami lumabas dahil maraming new cases ng positive sa brgy namin at madami padin ang lumalabas ng di nagsasabi kung saang brgy sila galing. Hayss. Pwde po ba i delay ang 2nd dose ng vaccine ng baby? Thank you po.
"According po kay Dr. Gel Maala from our #AskDok live chat session po natin: Ang official stand ng PIDSP(Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines), ay wag idelay ang bakuna ng bata dahil ang mga ito ay makakapagbigay ng proteksyon sa mga sakit na kaya iwasan gamit ng mga bakuna. Ngunit sa panahon ngayon ng community quarantine, naiintindihan ko po na mahirap iyon gawin. Maari po kayo magtanong sa health center malapit sa inyo tungkol sa services ng bakuna or makipagugnayan sa private pedia kung san pwede dalhin si baby. Maige din po na kumain ng masustansya ang buong pamilya upang wag magkaroon ng sakit at manatiling malusog. Kung nanaiisin naman ipagpaliban ang bakuna, maari din naman. Pwedeng habulin ang ilan sa mga bakuna o catch-up immunization, maliban sa rotavirus na hanggang 8 months lamang binibigay. Importante din po ang pagpapadede, dagdag na proteksyon ito ni baby sa mga sakit."
Magbasa pa