Allergy / Rashes na pabalik balik

Hello po. Good day! Magtatanong lang po ako kasi super stress na po ako. Yung baby ko po kasi ay 1 month & 15 days today. May nga lumalabas na pula pula po sa balat nya. Nagstart ito nung sept 11 as in buong katawan po nya may pula parang pantal. Then nagpacheck up po kami sa pedia ang sabi need iconfine hindi po ako pumayag tapos pag uwi ko po nakita ko nag fade na ung mga pula nya sa balat then after ilang araw tottally nawala na tas tumagal ng 2 weeks na hindi sya nagkapula. Then nitong sept 25 lang nagstart na ulit magpabalik balik ung pula nya pero unlike sa nauna hindi sya ganon kadami kumbaga e pasulpot sulpot sa parte ng katawan nya. NAN po ang gatas ni baby since first day and wala naman po noon. Nagpapedia ulit kami and inadvise na palitan gatas sa isomil kasi baka allergy sa cows milk. Kaso after non meron parin sya. So balik kami sa pedia kahapon and inadvise na palitan ulit into enfamil gentlease kaso this morning meron na naman hanggang sa ulo nya. Pero parang hindi po sya makati e kasi di naman po dya nagliligalig. At Good thing naman po is hindi sya tinatabangan dumede. Please help me po baka po may same case sa inyo at matulungan nyo po ako. Pls share po kung ano ginawa nyo. Super stress na po ako at naaawa narin po ako sa baby ko. Thank you in advance. Godbless!

Allergy / Rashes na pabalik balik
23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mas okay na ipacheck po ulit at bumalik kayo sa doctor. gawin ung mga advice ng professional. kung naghahanap po kayo na baka may same case mahirap po masabi. sa panganay ko ung ganyan nya eczema ung tawag seasonal lang sya na makati and dumadami ung pantal hang ulo ganon then after some hours minsan days nawawala kaso hindi clear ung photo. mostly allergies ung ganyan so better consult again talaga.

Magbasa pa