First Time Mom

Hi po! Ftm here. Share ko lang, napapraning kasi ako. ? Sa first trimester ko around 10weeks, nagkaroon ako ng Subchorionic Hemorrhage. After 2weeks, nawala naman na. But, napapraning pa din po ako kung healthy ba baby ko, kasi ramdam ko na yung paggalaw nya since 16weeks, bumubukol pa nga, ang saya lang sa feeling. Then, simula nung isang araw bihira na sya magbukol na kilos, panay parang bubbles na nagpop lang sya nababahala ako since di makapagpacheck sa ob. Pero ramdam na ramdam naman namin heartbeat nya, ang lakas nga, normal lang po bang napapagod si Baby sa paggalaw? Btw im 19weeks preggy po. Napapraning din po ako lalo na kapag may nababasa ako dto na nawalan ng baby after 9months, or mga nakunan by 6-8months, nakakabaliw. ? and ask ko lang po, okay lang po ba na di ako veggie eater? Di ko po talaga kayang kumain ng gulay, piling pili lang, mostly green leafy veggies lang po ang kinakain, nababother asawa ko samin ni baby, kahit naman ako, kaso kapag pinipilit ko talaga, nasusuka ako. ? bumabawi ako sa prutas at isda. Okay lang po kaya yun? Any advices po? Maappreciate ko po talaga! Excited na kasi kaming magasawa sa baby namin kaso overthinker lang talaga siguro ako. ? Ingat po always, and God bless ❤

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momsh 16weeks medyo malumanay pa lo tlga galaw ni baby and di pa,ganon kadalas. Wait ka po mga 20weeks dun po tlgang dadalas paglikot nya. Try mo din po kumaen ng sweets para ma-hyper si baby ng konti. Ingat po momsh and God Bless! 😊

Related Articles