first time

Hello po, first time posting here. Gusto ko lang din pong magtanong. Kapag po kasi hindi kami okay ng husband ko, kahit saan pag galit talaga sya, sinisigawan at minumura nya ako. We're already planning to have our first baby. Excited and at the same time natatakot kasi tuwing magagalit mister ko lagi nyang sinasabi na kapag nabuntis daw ako, ipapalaglag nya yung bata. Tanong ko lang po kung okay lang ba na ganun yung mga sinasabi nya? Natatakot po ako kasi may hika ako and prone to stress which is sinasabi ng mga katrabaho ko na delikado daw sakin kung mabubuntis ako. At sinabi pa ng asawa ko na kapag nalaglag ang baby ay ako ang sisisihin nya. Thank you po sa mga sasagot.

71 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ang maitutulong ko lang na advise ay huwag kang magpapabuntis sa asawa mo. kung mahal ka nya mamahalin din nya magiging anak nyo at hinding hindi ka nya pagsasalitaan ng mabigat at pagbabantaan ng ganyan. ngayon nga na wala pa kayong anak ganyan na mga sinasabi nya paano pa kung magbuntis ka. alagaan at ingatan mo muna sarili mo at mag-isip isip kung dapat mo pa ba pakisamahan ang asawa mo kung puro trauma at stress nalang idinudulot sa'yo. 😔

Magbasa pa