first time

Hello po, first time posting here. Gusto ko lang din pong magtanong. Kapag po kasi hindi kami okay ng husband ko, kahit saan pag galit talaga sya, sinisigawan at minumura nya ako. We're already planning to have our first baby. Excited and at the same time natatakot kasi tuwing magagalit mister ko lagi nyang sinasabi na kapag nabuntis daw ako, ipapalaglag nya yung bata. Tanong ko lang po kung okay lang ba na ganun yung mga sinasabi nya? Natatakot po ako kasi may hika ako and prone to stress which is sinasabi ng mga katrabaho ko na delikado daw sakin kung mabubuntis ako. At sinabi pa ng asawa ko na kapag nalaglag ang baby ay ako ang sisisihin nya. Thank you po sa mga sasagot.

71 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

good day Mii, tandaan mo ikaw ang unang magmamahal at dapat na rerespeto sa sarili mo maliban sa ibang tao, kung nakakalimot yung asawa mo ipaalala mo kung ano mga ginagawa niya kapag nakainom or galit siya iaddress mo yung issue baka kasi akala niya ok lang na baka submissive ka lang talaga which is wrong na for you as individual na lang kahit di na asawa niya, 2nd point wala pang kakayahang mamili ng magiging tatay yung Baby na pinaplano niyo, asa sayo kung nakikita mo bang deserving na maging ama sa ngayon yung asawa mo, na sayo din kung kaya mong makita kung pano magiging trato ng asawa mo sayo at sa magiging anak mo, Pagpray mo yung magiging desisyon mo, lalo pa at may walang muwang na batang nakasalalay ^_^ kung naadress mo na kay Mister yung concern maglatag ka din ng action plan paano mababago yung attitude niya towards you, pero kung sa pag.adress mo pa lang gaslighting na, umpisahan mo ng magmove on at self-love, do not settle for bare minimum, you deserved more and only the best.

Magbasa pa