first time

Hello po, first time posting here. Gusto ko lang din pong magtanong. Kapag po kasi hindi kami okay ng husband ko, kahit saan pag galit talaga sya, sinisigawan at minumura nya ako. We're already planning to have our first baby. Excited and at the same time natatakot kasi tuwing magagalit mister ko lagi nyang sinasabi na kapag nabuntis daw ako, ipapalaglag nya yung bata. Tanong ko lang po kung okay lang ba na ganun yung mga sinasabi nya? Natatakot po ako kasi may hika ako and prone to stress which is sinasabi ng mga katrabaho ko na delikado daw sakin kung mabubuntis ako. At sinabi pa ng asawa ko na kapag nalaglag ang baby ay ako ang sisisihin nya. Thank you po sa mga sasagot.

71 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Syempre di yun okay,kelan pa naging okay na murahin at pagbantaan ka ng asawa mo. Habang di ka pa nabubuntis,may chance ka pa para makapag-isip isip. Sure ka na ba na ganyang lalaki ang gusto mong maging tatay ng anak mo? Pano kung pati mga magiging anak niyo murahin niya din. Mag-isip kang mabuti sis. Wag kang magtiis sa ganyang lalaki.

Magbasa pa
3y ago

Ask help sa mga family members po, magpablotter din kasi yung iba nagstart sa ganyan nauwi sa pisikal. may pagbabanta pa asawa mo