Burping in Evening

Hello po, First time mom here. Tanong ko lang sana kung okay lang ba na hindi ma burp si baby kapag tulog na sa gabi. Nahihirapan po talaga ako magpa burp kapag gabi lalo na tulog si baby kahit anong techniques na ginawa ko hindi talaga kasi ayaw rin magpa disturb umabot nanga ako ng 3 hrs sa burping lang.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Stay nyo po in an upright position si baby for at least 30 minutes every after feeding po. Kahit po tulog yan nakaka burp yan, minsan matagal lang po kaya need naka upright si baby for at least 30 mins.

Okay lang, kung at least 30 minutes ka ng nagpapaburp pero ayaw talaga okay lang. Lalabas naman yung gas as utot.

1mo ago

thank you po