Complete bed rest until 36th week

Hello po fellow moms, first time posting here. Share ko lang case ko. Around 18 weeks nung first time kong ma notice na may spotting ng blood and nararamdaman ko din na mabigat ang pakiramdam sa pwerta so nag take lang ako ng isoxilan which is nireseta sakin ng doctor and advised me to take it kapag feeling rereglahin. Naulit uli na magka spotting a couple of times until nung nagpaultrasound ako nung 20th week ko and inask ko yung dr about it. Ang sabi nya any type of bleeding daw po no matter how konti is not normal so she advised me to consult to my OB. Upon teleconsulting with my OB, inadvise nya kaagad ako na mag bed rest for 2 weeks and binigyan ako antibiotics. I did bed rest naman kaso gumawa parin ako ng gawaing bahay like magluto and magtupi ng damit. After a week may nag re appear na spotting so i consulted again with my OB and this time she advised me to do COMPLETE bed rest. As in yung bawal na umupo or tumayo. Must by laying flat at all times pati pag poo,pee, and bathe. From this point forward puro teleconsult nalang daw muna with the OB for the prenatal check ups. Sa 36th week pa daw ako pwede tumayo. 3 weeks na akong complete bed rest ngayon and nagstop naman na yung bleeding. Nag sspot lang kapag napapaupo minsan para kumain or other stuff. Pero so far okay naman na. Bumili nalang kami ng fetal doppler sa shopee para atleast macheck parin ang heartbeat ni baby para bawas isipin at stress. I'm currently 24weeks so bale may 12weeks pa akong naka bed rest 😅 Gusto ko lang ishare kasi baka may same moms din na ganito situation. Hanap lang ng karamay 😅 #Bedrest #spotting

25 Replies

Marami-rami rin po pala mga naka bedrest mommies. Somehow comforting mabasa na may mga kaparehas ng pinagdadaanan. Praying for the safety of all of our babies 🙏🏼 Tanong ko lang po for momies na complete bed rest like me, pano nyo po ineexercise legs nyo? Nabasa ko po kasi na nagkaka muscle loss kapag di nagagamit legs and feet dahil bed rest.

stretching mo mi ung legs mo kahit nasa kama..para iwas leg cramps..ginagalaw ko ung mga paa ko..pag lumilipat ako ng pwesto..inaangat ko ung binti mas madali sakin lumipat ng pwesto kapag ganun..

ako din walang spotting pero sensitive yung pregnancy sa 4th month ko bed rest na ko, naka schedule ako Ng CS sa 37th week, di na hinintayin yung 40th weeks Kase nga sensitive pregnancy daw. however nung nag pa check up ako nung 36weeks ako na emergency CS ako. so I suggest pa CS kana once mag 37weeks ka para sure na mailalabas mo si baby Ng safe.

Mi paano pong sensitive?

I'm 11 weeks and 3 days and nag spotting din po. I am taking Duphaston since day 1 na nagpa OB ako, pabalik balik kapag nag wwork ako kaya complete bedrest ang required ng OB, kaso need mag work kaya alalay lang dito. Check up again this Tuesday, may possibility ba na ma lift yung complete bedrest? nawala na po sa ngayon ang spotting.

yung mga mommies na inadvise ns complete bed rest po makinig na lang po, para sa inyo din po yan ni baby. wag na po mag risk. although nauunawaan ko ung iba lalo na pag single mom pero kung keri mag work ng nakahiga mas ok. may mga computer tables n pwede i move sa bed.

Ako po simula March 2024 pinagbedrest na po ako until 36 weeks na din. At today ay 36 weeks ko na po. Simula march din ay may pampakapit ako nagsimula sa tinitake orally hanggang naging sinisiksik nlang sa pwerta. Nagka bleeding ako sa loob noong march at open cervix pa po ako. Sa awa ng Diyos malapit na din ako makaraos. Praise God!

ako miii 6mons besrest ng spot lng aq light brown pero lagi samit puson Uti Awa ng dios 8 mons n bb q...Ngpatavtag nalng aw nung 37weeks n ako pero d nmn totally tvtag mga 7mons Aq nun nakakagwa n me gawaing bhay..UN GINAWA ko peor stil hanap ng katwan q ang higa cs ako s bb Ko pumutom n panubigan q hnd na nakaramdam ng labor

Same here mi. Di ako nagspotting but since nalaman ko preggy ako bed rest lang ako hehe. Sanay na din ako nung 1st baby ko ganito din kasi ko hehe. Enjoyin mo na lang maghiga😅 currently 28wks6days nako hindi na ko pinapinom ng pampakapit ni OB baka daw dumikit masyado ang inunan ko pag nag anak ako.

Isoxilan Isoxuprine at duphaston. Nung una pinagsasabay ng inom yan. Ngayon as needed na lang isoxilan na lng.

Hi Mommy I'm 18 weeks din nag start nang complete bedrest dahil open cervix ko the sa awa ng diyos nasa 35 weeks na ako ngayon. mommy wag lng pa stress pa tatag lng and pray then para di mabagot gawa ka ng hobby na maka pasasaya sayo kahit naka higa😊 kaya natin to🙏

currently 18 weeks din ako now, and nag bleeding ako which is wala akong nararamdaman na any pain. So I consulted my OB and he rec.me mag complete bed rest + taking dupasthon and heragest till 37th week. pray lng tau me, makakaraos din tayo, importante safe si baby.

ako po 3rd pregnancy ko na, 7 weeks plang ako ngayon, nagspotting ako ng 2 days then ngpacheck up, super effective sakin nung gamot thanks God kc 1 day plang ako nagtake natigil na spotting ko kahit di ako masyado nag bedrest

Ganyan din ako..24 weeks nung ng start akong mg bedrest due to pre term labor..As in most of the time nakahiga ako..36 weeks na nung pinayagan akong gumalaw ng OB ko and thanks God nanganak na ako at week 37.

Trending na Tanong