Bara sa lalamunan. Please help take time to read po sana may makatulong.
Hello po currently 23 weeks pregnant here. Nagsimula tong sakit ko sa lalamunan after kung lagnatin mag one week ko ng iniinda. Nung umpisa parang barado lang lalamunan ko pero habang tumatagal mas lumalala bukod sa feeling ko na may naka bara sa lalamunan ko na parang tumutsok kahit anong suka ko pilit kona ilabas tubig lang nilalabas andun parin yung pagkakabara lalo na kapag umiinom ako ng vitamins kahit ang liit lang na tableta hirap akong lunukin kahit sobrang daming tubig inumin ko yung gamot na stuck lang sa lalamunan ko. Panay pako dighay tapos kapag hindi naka dighay ng maayos nahihirapan huminga. Tapos ngayon lang suka na may maasim Asim. Tapos parang nagliliyab yung dibdib gang lalamunan. Fyi po may history nako ng acid reflux pero kasi bago lang sakin ang pakiramdam nato at hindi katulad ng nararamdaman ko dati kaya hindi ako sure kung ano to. At anong home remedies ba pwede gawin para maibsan yung pahirap nitong sakit nato?