Mababang Cervix

Hello po, asking if meron din po ba dito same case sakin, 8 weeks pregnant and sobrang baba ng cervix ko nung nagIE ung OB ko..nangyari na po ba sa inyo na tumaas sya habang lumalaki si baby?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sa akin 3months tiyan ko ganyan din situation ko pinahilot ko lang pinataas ko yung baby ko sa puson papunta pataas pero dahan2 lang naman ng manghihilot. hindi recommend ng doctor yan pero ginawa ko parin! Ngayon 8months na tiyan ko. Bed rest ka lang talaga mi wag ka magbuhat ng mabibigat at kausapin mo minsan baby mo kahit di ka pa niya rinig ganyan labg kasi ginagawa ko. 🥰 Minsan pag ramdan kong mabigat yung puson ko nilalagyan ko ng unan at pwetan ko para tumaas siya.

Magbasa pa
2y ago

mabigat din po and madalas sumasakit puson ko, relaxant sa uterus ang reseta ng OB ko and so far, effective naman po..thank you po sa advise mommy 🙂

You mean ang length ng cervix? Hindi na po yan tataas. Nandun kana sa OB mo nagtanong2 ka na sana kasi siya may alam.. If short cervix ka pwedi ka magpreterm labor or makunan kaya bedrest ka po, mas shoshort pa yan once bumigat c baby kaya yung iba binibigyan pampakapit or cerclage.

thank you po sa mga sagot niu mommies..sabi ng OB ko anomaly sya ng katawan kaya wala kami magagawa..pampakapit po ung iniinum ko ngaun..sabi nia po kasi hoping na magkaron ng chance tumaas kaya napatanung po ako if nangyari po sa iba..very helpful po ung mga sagot niu po, salamat 🙂

same po tayo short cervix din ako twice threatened preterm labor. never ng tumaas yung sakin lalo siyang humihigsi nilagyan ako ng pessary sa pwerta para hindi bumuka ng maaga yung cervix ko umabot ako ng 38 weeks and okay naman si babg.

2y ago

thank you mi. :)

ako po mababa ang cervix , tatlong beses ako napreterm , nung pang apat na pagbubuntis ko ng pa cerclage nako awa ng diyos nakafull term nako kapapanganak ko lang nung april 8

2y ago

13 weeks po , 52k naging bill namin less sa philhealth kaya naging 34k nalang binayaran namin 1day lang sa ospital private po yon...

mababa means, natural na po yan sa katawan nyo. sakin mataas ang cervix ko kaya maayadong sagad ang pagIE sakin. di na nababago yun. yung kapal at nipis lang ang nababago kahit pano.

Wala kang ibang gagawin kundi mag-bed rest. Prone ka sa pre-term labor. Di na yan mababago sis kaya dapat doble ingat ka.