Food for 8 months old baby
Hi po, ask lang po if ano po ang magandang ipakain sa 8 months old na baby? As of now po ay naka oatmeal at vegetables lang sya na blini-blender ko. Wala pa din sya ngipin at napapansin ko halos lunok lang gusto mya gawin tuwing kumakain. Ayaw ngumuya. Gusto ng pedia nya na pakainin ko na ng lugaw at manok na hinimay kahit hindi na i-mash or blender. Nagwo-worry ako kasi baka mabilaukan si baby or hindi matunawan. Sabi din kasi pwede ko sya na hayaang hawakan ung food nya like carrots or apple na hiniwa pero nakaka worry kasi baka nga ma-choke lalo at ung pinsan ko lang nagbabantay pag weekdays kasi may pasok ako.. Ano ba ang dapat gawin? Thank you po! God bless