How to apply sick leave for 6 months in SSS

Hello po ask ko lang po kung pano mag file ng sick leave for 6 months sa sss yung papa ko po kasi na mild stroke kailangan daw po nya mag pahinga for 6 months may nagsabi po kasi sakin na humingi daw po ng medical certificate sa doctor na proof na 6 months po ang pahinga nya. Pano po kaya yun wala po kasi ako idea sana po matulungan nyo po ako.. May benifits daw po kasi makukuha..

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello po, kailangan po ng Medical Certificate na pirmado ng doctor nya na inaadvise sya ng rest for 6 months. Mag fill up din po kayo ng SSS Sickness Notification at Sickness Reimbursement form. Kelangan nyo rin po ng printed sss contribution. Saka po photocopy ng 2 valid IDs with signature. Yan po yung mga documents na pinasa ko nung nagfile ako nh sickness sa SSS. Sa employer ko lang po pinasa, sila nag ayos para sakin. Ninotify lang nila ako nung may cheke na ako. Pero 1 month rest lang po yung sakin.

Magbasa pa

Salamat po ng marami after po ba mapasa lahat ng requirements may makukuha po ba ang papa ko ng benifits? Pde din po ba ako mag fill up or magasikaso po lahat ng mga requirements ng papa ko po.

6y ago

Yung sakin po since 30 days lang yung leave na binibigay ng OB ko, after po mga 3-4 weeks ko nakuha yung cheke galing SSS. Di ko lang po sure gano katagal pag 6 months yung leave. Pwede po kayo ang mag ayos, pagawa lang kayo ng auth letter sa papa nyo na may pirma sya. 😊